Chapter 22 Enjoy "How was your girls bonding?"nakangiting tanong ni Cupid ng nilapitan ako nito at sinuotan ng bathrobe, nakalimutan pala namin ni Aqi na magdala noon mabuti na lang at ready ang boys. "I enjoyed swimming and I enjoyed Aqi's presence. "I answered joyfully. Tumango si Cupid at naupo sa upuan, wala ng bakanteng upuan akmang tatayo sana si Nix para siguro paupuin ako ng pigilan siya ni Cupid. "No need Nix. "Mahina akong napatili ng marahan akong hinila ni Cupid at pinaupo sa hita niya. Kaagad akong namula, ang lamig na nararamdaman ko dulot ng pagligo sa dagat ay napalitan ng init dahil sa hiya. "Cupid... "saway ko dito ng makabawe. Inosente lang itong nagkibit-balikat bago sumali na sa asaran ng mga kaibigan. Bumalik na sila Aqi sa room nila sa Meredith Palace.

