Ilang araw na ang lumipas pero magulo pa rin ang isip ko. Naka-leave pa rin ako sa trabaho. Si Ara naman ay lumipat pansamantala sa unit ni Julian para samahan ako. Mabuti na lang at narito ang kaibigan ko para damayan ako. Ang sabi nina Julian at Tiago, tatlo lang ang nasa same department ng kumpanya ang nanggaling sa school namin habang nag-aaral doon si Jimelyn; sina Luke, Sir Raul at si David na may asawa na. Huwag daw akong magtitiwala kahit kanino sa kanila. Imposibleng si David. Sobrang loyal sa asawa niya 'yon at ni minsan ay hindi ko nakitaan ng pagnanasa sa ibang babae. Sina Luke at Sir Raul? Hindi ko ma-imagine. Sobrang cool at friendly si Luke. Hindi rin siya 'yung tipo na mang-i-stalk ng babae at worst, kikidnapin pa at papatayin. Si Sir Raul? May oras p

