"Hindi ko alam kung bakit ako kailangang isama sa search n'yo, pero makikipag-cooperate ako." Ibinuka ni Luke nang maluwang ang pinto ng silid. Nagkatinginan nang bahagya sina Julian at Tiago saka sila pumasok sa silid. May kalakihan ang unit nito at malapad ang kama. Sinenyasan ni Tiago ang dalawa pang kasamang pulis para simulang halughugin ang silid. Hindi titigil si Julian hangga't hindi nila nakikita ang stalker ni Clarisse sa gabing iyon. Hahanapin niya kahit anong ebidensya na makapagtuturo na si Luke ang stalker na umatake kay Clarisse. "Bakit kasama ka sa paghahanap nila?" tanong ni Luke kay Julian. "Girlfriend ko ang inatake ng stalker niya kaya may karapatan akong hanapin ang nanakit sa kanya kanina." Nagtagis ang mga bagang ni Julian. Tinalikuran niya si Luka saka niya hin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


