Chapter 8

2160 Words
 Touch             KANINA PA AKO NAKAUPO sa swivel chair ni Rui sa loob pa rin ng kanyang opisina habang naglalakad naman ito ng pabalik-balik sa harapan ko. Nakayuko at nasa baba ang hintuturo at hinlalaki na parang may malalim na iniisip. Ako 'yong nahihilo sa ginagawa niya, e. Bumuntong hininga ako bago ito pinagsabihan. "Could you please stop, Kuya? Ako 'yong nahihilo sa ginagawa mo," naiinis kong ani sa kanya. Tumigil naman ito sa paglalakad at tumingin sa akin. "I was just thinking of what happened a while ago, Iria. Hindi pa nagalit ng gano'n si Reece," napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Kahit sa opisina niya noon ay hindi siya naging gano'n sa mga empleyado niya kahit naging sobrang palpak ito. Ngayon lang at dahil... sa'yo." Sagot nito sa gusto kong itanong na hindi ko naisatinig. "Bakit siya binansagang ruthless sa business world kung hindi siya gano'n magalit at walang awa sa mga empleyado niya?" Nakataas na ang kilay kong tanong sa kanya. "And what's his problem? Hindi naman siguro big deal ang pagbisita ko sa'yo dahil sa bored na bored na ko sa penthouse niya? Don't tell me that he's jealous, Rui. Malilintikan ka sa'kin." "Then I won't tell you," ngumisi ito sa akin kaya inirapan ko ito. "The big deal is that, you're his woman, Iria. And you're supposed to go to his office instead of mine." Napa-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi nito. Woman. I'm just only his woman. A f**k buddy. Isang parausan ng isang business tycoon. Napangiti ako ng mapait sa naisip. And thinking about him getting jealous? Assuming ka kung gano'n. Why would he get jealous if he only see me as his woman? His bed warmer? Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga nito at ang paglapit sa akin. "I didn't mean that way, Iria. Alam ko kung ano ang iniisip mo. You’re not just his woman to make him sated." I heard him cuss under his breath. "I shouldn't be the one to tell you this. I'll be doomed if ever." "Huwag na, Rui. The day he offered me this, I know what's between us, okay? And I won't expect anything, especially that powerful word," tumingin na ako sa kanya at tipid na ngumiti. "I'm just his woman of the month, right? And soon, I'll be back here, working for your company again." "Did you relax now?" Pag-iiba nito ng usapan at alam ko kung bakit. Ayoko rin namang umasa na baka ay ang unti-unti kong nararamdaman ay mapapalitan at baka hindi ko makaya dahil alam kong may katapusan ang lahat ng ito. Alam kong mabilis at maaga pa dahil ilang araw ko pa lang naman siyang nakilala at kahapon lang ay may nangyari na sa amin! Pero hindi ko alam sa puso ko kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa taong kakikilala niya pa lang. It feels like I know him from the past. It’s like he was a missing part of my memory – of me. Umiling ako para iwakli ang mga naiisip. It is impossible, right? Ang layo ng agwat ng buhay namin kaya bakit ko siya makikilala, sa gayong hindi ko naman siya nakita kahit na sa mga magazine na binabasa ko. "Sort of, but I need more time," tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa swivel chair niya at naglakad papunta sa maliit niyang ref dito sa loob. Hindi ko ito nakita nang pumasok ako kahapon at kanina dahil okupado ang isip ko. Kumuha ako ng isang slice ng strawberry cake at soda in can dahil bigla akong nagutom sa mga nangyari at iniisip. Pabalik na ako sa kinaroroonan ko kanina nang marinig ko ang pagring ng cellphone ni Rui na nakapatong lang sa desk niya. Nakita ko ang nakarehistrong pangalan kaya kinabahan agad ako. Tumingin muna ito sa akin bago kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag at tumalikod. "Hey, man," rinig kong bati nito ng sinagot niya ang tawag habang naglalakad ito papunta sa glass wall kung saan kita ang magandang view ng mga matataas na buildings. "She's still relaxing here. Yes. I'll be the one to take her to your penthouse. Don't worry, man," 'yon na lang ang narinig ko dahil tapos na ito at naglakad na ito pabalik sa kinaroroonan ko. "Hinahanap ka na," nagkibit balikat lang ako sa sinabi nito. "Anong oras ka uuwi?" "Mamaya na. Ayoko pa siyang makita," sabay subo ko ng isang maliit na slice ng strawberry cake. "And I don't want to talk to him, Kuya. I'm scared. Baka saktan niya ako sa galit niya." "He won't and can't do that to you, Iria." Tumingin ako sa kanya at ngumisi. "I know him. He's my best friend after all kahit hindi halata," sabay kaming natawa sa huli nitong sinabi. "Hindi natin masisiguro at masasabi 'yan, Rui. I'm just his woman and he can do anything to me," uminom ako ng soda dahil ramdam ko ang pagtuyo ng lalamunan ko dahil sa mga sinabi. "How many times do I have to tell you that you're not just a woman to him, Ria?" May inis na ang tono nitong wika. "Don't think too much about it. Finish that and I'll take you home now." Lulan na kami ngayon ng kanyang sasakyan papunta sa penthouse ni Reece. Kanina pa ito salita ng salita pero hindi ko ito pinapansin. Naghahalo na ang kaba, takot at sakit sa sistema ko para makinig pa sa mga pinagsasabi nito habang papalapit na kami sa building. "You shouldn't make him angry, Iria. Iba ang epekto mo sa kanya," I rolled my eyes at him. Iba nga talaga ang epekto ko sa kanya dahil parausan niya ako. "And don't think that you're just a fubu to him." The hell I care. Gano'n naman talaga kami. And I know what he wants from me and I want that to him too. Nang tumigil na ang kotse nito sa harap ng mataas na building ay agad ko nang kinalas ang seatbelt at lumabas ng kotse niya. "Thank you, Rui. Expect that I won't visit you again," bago pa ito makaprotesta ay agad ko nang sinarado ang pinto ng kotse at nagmartsa na papasok ng building na hindi nililingon ang kotse niya. Hindi naman ako pinigilan ng guard dahil alam naman nitong babae ako ni Reece. This building is exclusive and too expensive for a woman like me. Ang mga tumitira rito ay mga mayayaman, anak ng mga politiko at mga artista kaya hindi na nakakapagtaka kung dito rin siya nakatira. Dumiretso na ako sa elevator at sumakay na rito ng tahimik dahil hindi ko na alam kung ano ang mga nararamdaman ko. Nang akmang sasarado na ay may isang kamay ang pumigil dito kaya bumukas ulit ito. Isang hinihingal na lalaking matangkad ang agad na pumasok at tumabi sa akin ng tayo sa akin. He pressed the 29th floor at hinayaan na ang pagsara ng elevator. Tahimik lang akong nakatayo sa isang tabi habang iniisip ang pwedeng mangyari mamaya. He will shout and curse at me or he'll punch me or something that will hurt me, eventually. Kaya grabe ang tahip ng dibdib ko sa takot at kabang nararamdaman sa mga naisip. "You're new here? Ngayon ko lang kasi nakita ang maganda mong mukha," palihim akong napairap dahil sa sinabi nito. I fake my smile before looking at him. "Uh. Yes. I am new here," tipid kong sagot sa kanya at tumingin na ulit sa harap para ipabatid na ayoko ng makipag-usap pero lihim akong napairap ng magsalita ulit ito. "What floor are you in? I'm in the 29th floor and my room number is 2955." Oh c'mon. Alam ko ang mga galawang ganiyan at kahit na gwapo ito ay hindi ko ito papatulan. 'Dahil may Reece ka na 'di ba?' Iwinaksi ko narinig sa kabilang isip at napairap sa sarili. "Penthouse," tipid kong ani at ramdam ko ang paglayo nito ng kaonti dahil sa naging sagot ko. I sign in relief when the elevator opens in the 29th floor pero agad akong napairap ulit dahil sa huling sinabi nito bago lumabas ng tuluyan. "If you want me, you can come into my place to warm up," he winked at me before the elevator door closes. Fuckboys. Akala nila nadadala nila lahat ng babae sa gano'n, pwes ibahin nila ako. Pero, iba nga ba ako sa kanila? Napangiti ako ng mapait sa sariling tanong. Hindi ako naiiba dahil kung naiiba ako sa mga gano'ng babae, wala sana ako rito sa penthouse ng nag-offer sa akin at dapat nasa apartment ko ako ngayon habang hinihintay ang oras ng shift ko sa trabaho. Dire-diretso lang ang lakad ko papasok sa double doors nang may biglang humawak sa braso ko at hinila ako papasok sa left side na bahagi dahilan para mapatili ako sa gulat at kaba. Roon ko lang naramdaman ulit ang sobrang kaba sa puso ko na nawala ng panandalian dahil pagkainis sa lalaking nakasakay ko sa elevator. He pinned me on the wall and caged me between his body and arms on the other sides of my head. Ang mga mata nitong puno ng galit at sakit. Sakit? Anong sakit ang nakikita ko? Naiintindihan ko kung magagalit ito sa ginawa ko kanina pero ang sakit? I won't assume. I’ll just break my heart and hopes. "Did you enjoy his company, Iria?" Nanginig ako sa boses nitong sobrang lamig pa sa yelo. "You came home and he drove you home late. Where did he take you before here?" The evil smirked in his lips made me more shudder. I felt a pang in my chest because of what he just said. Gano'n ba ang tingin nila sa akin? Na isang kaladkaring babae dahil sumama agad ako sa kanya at nagpabahay? Natawa ako sa sariling tanong. Natawa ako dahil sa dahan dahang pagtulo ng mga luha sa magkabila kong pisngi dulot ng mga salitang galing sa lalaking akala ko ay iba. Nagkamali pala ako. He’s like those other man who only wants pleasure. No strings attached just s*x. Nakita ko ang paglambot ng tingin nito pero agad ding napalitan ng blankong ekspresyon. I tried to push him away pero hindi ko kaya kahit na buong lakas ko pa ang gamitin ko sa lakas niya at dahil na rin sa panghihina ko. Nang hindi ko ito maitulak ay pinagsasapak ko ang matigas nitong dibdib habang panay pa rin ang buhos ng aking mga luha. At nang mapagod ay napatigil na lang ako saka humikbi ng walang tunog. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay habang mahina nang humihikbi. Nang maibuhos lahat ng sakit at galit sa pag-iyak ay ibinaba ko ang kamay ko at tinignan ito sa kanyang mga mata na puno ng galit at pighati. Ang kaninang nakangisi nitong labi at nawala at napaawang dahil siguro sa galit na nakikita sa mga mata ko. "I really enjoy his company, Mr. Xiamin. And he takes me to a hotel restaurant before he takes me home. Happy?" Hindi ko alam na kaya ko palang magsalita ng walang buhay ang tono ng boses ko. "I am tired because of him. And I am just your woman, why do you care?" "You are my woman and I don't want anyone to touch you. Baka mahawa ka sa sakit at mahawaan mo rin ako." Parang sinaksak ang puso ko sa riin nang pagkakasabi nito. Pero hindi ko pinahalatang nasaktan ako at tinignan na lang ito ng blankong ekspresyon. "And you're not a virgin anymore. Ilang lalaki na kaya ang nakapasok?" Mas lalong sinaksak ang puso ko dahil sa huli nitong sinabi. Yes I am not a virgin anymore pero hindi ko mawawala iyon kung hindi dahil sa nangyari noon. Mga nangyari na tumatak sa isip ko. Dapat nga ay natatakot akong magpagalaw pero pagdating sa kanya ay nawawala ang takot ko. Mas willing pa akong ibigay ang sarili ko sa hindi malamang dahilan. "Then leave me alone kung ayaw mong mahawaan ka dahil sa hinawaan nila ako," ngumisi ako nang makitang nagtiim bagang ito dahil sa sinabi ko. "Wala ka namang magiging pakialam kung mamatay ako sa sakit dahil sa pakikipagsex sa iba, 'di ba?" Ilang minuto itong natahimik at hindi nakaimik pero makikita ang galit at pagkairita sa mga mata nito habang nakatiim pa rin ang bagang niya sa galit. Pero nagulat ako sa sunod nitong ginawa at napaawang ang labi ko kaya kinuha niya itong pagkakataon para ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko habang marahas na hinahalikan ako. Napaungol ako sa kakaibang sensasyong hatid ng dila nito sa loob ng bibig ko. Mapusok at puno ng galit nitong inangkin ulit ang labi ko kaya napapahabol hininga kong nilalayo ang mukha at labi sa kanya pero hindi niya ito pinapakawalan at hinahabol pa niya! I tried to push him again but he scooped my wrists in just one hand and locked it above my head. C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD