“IS SOMETHING wrong?” “Everything is wrong,” wala sa loob na sagot ni Isabella. Nanikip ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung guni-guni niya lang o totoong narinig niya ang boses ni Claude na tinatawag ang pangalan niya. But the voice disappeared so maybe her imagination was just playing with her. Pero wala rito ang binata, sigurado siya roon dahil hindi niya malanghap ang dugo nito. When will you give my mind a break, Claude? “Isabella?” Napasulyap siya sa lalaking nasa harap niya. Mag-isa siyang nagpapakalasing nang lumapit ito sa table niya. And since she had not fed yet ever since her encounter with Claude at the restaurant which was more than two weeks ago, she was feeling really thirsty. Naghatid ng blood bags ang mga tauhan ni Claude sa condo unit niya, but she was too proud

