NAPALUNOK si Isabella. Mahigit isang oras din ang naging biyahe papunta sa bahay ni Claude kaya nagkaroon siya kahit paano ng pagkakataon na makapag-isip. Ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit ganoon ang naging reaction ng puso at katawan niya nang makita si Alonzo. He was her Keeper, too, that’s why she was naturally drawn to him. At ngayon pa lang ay nasasaktan na siya sa posibilidad na masaktan na naman si Claude kapag nalaman ang kaugnayan niya sa mismong kakambal nito. Frankly, she didn’t know why destiny kept pulling a trick on her and Claude. She thought it was unfair. They love each other so why was it so hard for them to have their happy ending? But maybe happy ending was the problem itself. Iyon ang na-realize ni Isabella habang nagda-drive. They were living in the real wo

