Pagdating sa malaking bahay sa kusina siya dumiretso para magluto. Bumilis ang tìbøk ng puso niya dahil naroon ang presensya ni Jensen. Nakaupo ito habang nagkakape ngunit parang hindi siya nito nakikita dahil kahit sulyapan siya nito ay wala. Napalunok nang napansin na wala itong suot na pang itaas na damit. Nakasuot iyon ng itim na panjama habang sa dalawang tenga nito ay parehong may bluetooth headphone. “Diyos ko” Hindi na kailangan ng ulam dahil sa katawan pa lang ni Jensen ay ulam na po, char!” bulong ng kanyang isip, habang nakangiti at kumukuha ng manok sa refrigerator. Para siyang loka dahil kanina lang inis na inis siya kay Jensen. Ngayon na nakita niya ang matipuno nitong katawan naglaho agad iyon ng ganun kadali. Hindi naman siya malanding babae pero sa ikinikilos niya ngay

