Tahasang tinanong ni Renz iyon na hindi siya handa kung anong isasagot. Parang bulkan na walang senyales ng pagputok pero bigla na lang sumabog. “Paano niya sasagutin ang tanong kung siya mismo hindi kayang sagutin iyon?” tanong ng kanyang isipan. “Sabi nga nila, “Silence means yes” Ngayon pa lang ihanda mo na ang iyong gintong kabaong. Natitiyak kong si Liam ang papatay sayo, pre,” Habang sinasabi ni Renz iyon seryoso at walang pagbibiro makikita sa mukha nito. “I don't know what you're talking about! May girlfriend ako sa Korea kaya ayaw kong maghanap ng ibang babae,” wika ni Jensen na muling tumungga sa bote. Ngumisi si Renz at bumaling ng tingin kay Jensen at sabay tungga sa bote na may laman na alak. “Me too! I have 5 girlfriends but I'm still attracted to other women. Maga

