Chapter 39 SHIN'S POV "Ang takaw mo kasi, eh." inabutan ni Charles ng tubig si Blare "Gutom ako, eh." "May pupuntahan lang ako pero babalik rin ako agad." sabi ni Charles habang tumatayo sa upuan nya "Sigurado ka ba Charles? Kung hindi ka babalik sabihin mo na ngayon para kami nalang ang sasama dito kay Blare." Nicole "Okay lang naman kahit wala akong kasama." singit ni Blare "Babalik ako. Hindi ko naman pwedeng hayaang mag isa ang bestfriend ko." napahinto kami sa sinabi ni Charles. Bestfriend, na friend zone si Blare Tumingin kaming apat kay Blare na nakatingin lang sa plato nya "Sige, una na ako." "Ingat." kumaway si Blare kay Charles bago humarap ulit sa pagkain nya "Gusto mo bang samahan ka muna namin dito Blare? Pwede tayong manood ng cartoons." energetic na sabi n

