CHAPTER 27 *********************** NICOLE'S POV Isang linggo na ang nakalipas pero kung ituring ako ni Nate para parin akong may sakit. Naiilang na talaga ako! Feeling ko nahuhulog lang ako lalo! Oo na, inaamin ko na. Nahuhulog na ako. Ang bait naman kase masyado, eh! "Okay na ako kaya pwede ba? Luamayo layo ka muna sakin." pagod na sabi ko. Kanina ko pa pinauulit-ulit yan "Ayoko." seryosong sabi ni Nate. "Fine. Ikuha mo nalang ako ng pagkain." ayoko na, itinataas ko na ang puting bandera. Uutusan ko nalang sya ng uutusan. "Anong pagkain?" "Yung red velvet cupcake na gawa ni Ice." feeling ko nag heart ang mata ko ng maalala ang lasa ng binake ni Ice. Hindi lang sya masarap mag luto. Masarap rin mag bake. Ang swerte naman ni Ace! "Tsk, yun na naman? Kay Ace daw yun." nakasimangot

