Chapter 33 CHARLE'S POV Naka-akbay sakin si Blare habang naglalakad kami sa hallway. Oo, abot nya ako. Hindi naman kasi maliit si Blare, pwede nga syang model kaso tomboy hahahaha! Sanay narin ako na lagi nya akong inaakbayan, tropa ko 'to, eh. Kung babae nga lang si Blare aakalain kong nilalandi nya ako, nakadikit na kasi sa braso ko yung gilid ng hinaharap nya. Malaki kasi yung hinaharap ni Blare, wag kayong ano ha! Hindi ko pa nakikita, halata lang. "Hoy Charles!" "Ay hinaharap!" napatingin ako kay Blare na nasa harapan ko na pala. Kumunot ang noo nya kaya napalunok ako. Pasalamat talaga sya hindi ako pumapatol sa babae, kung hindi nakipag bugbugan na ako dito. "Kingina ka talaga no? Manyak nito, ang dumi ng isip mo." susuntukin nya sana ako buti nalang at naka-iwas ako. Isang

