Chapter 50 ACE'S POV Pabagsak akong umupo sa couch pagdating namin sa loob ng bahay. Mas nakakapagod ang ginawa namin kanina kaysa lumaban sa gangster fight "Grabe, naubos ang energy ko," sabi ni Nicole at umupo sa tabi ko, kung wala nga ako sa tabi niya baka humiga na siya. "Thank you talaga." Lumapit sa amin si Macey at isa-isa kaming niyakap. Hindi na ako yumakap pabalik dahil inaantok na ako. Gusto ko na ngang magpa-buhat kay Ice paakyat sa kwarto namin. "Hindi pa ba kayo magpapalit ng damit?" Tanong ni Blare na naka sakay sa likod ni Clarence. "Tara palit na tayo." Tumayo si Nicole kaya tumayo narin kami samantalang si Blare ay bumaba na sa likod ni Clarence. Nauna kaming umakyat at naka sunod lang sa amin sila Ice. Naunang pumasok sa kwarto si Macey. Nakatayo lang kami

