Kinabahan si Vexie nang masalat niya ang noo ni Alexus, mainit ito. May lagnat ang alaga niya, masyado ba itong natakot kagabi? Or dahil sa byahe nila pabalik sa manila? Hindi pa naman siya sanay mag-handle ng batang may sakit. "D-daddy..." marahang ungot ni Alexus, hinahanap nito ang Ama? pinagmasdan niya ito, tulog na tulog pa rin ang bata pero hinahanap ang Ama. "Ako 'to Alexus. Sandali lang ha? Hintayin mo ako rito." Tsaka siya umalis at humanap ng bimpo, babasahin niya iyon at ilalagay sa noo ni Alexus. Nang makabalik ganoon nga ang ginawa niya. Muli siyang napatitig sa bata nang muli itong umungot. "Daddy..." Talagang hinahanap nito ang Ama. Napatingin siya sa wall clock, alas siete pa lamang ng umaga. Sana ay hindi pa nakakaalis si Leon. "Saglit lang, tatawagin ko ang Ama m

