Nagising ang dalaga na tila may nakadagan sa dibdib niya. Mainit iyon na talagang saktong sakto sa isang dibdib niya. Marahang niyang iminulat ang mga mata para lang mapatda at makita si Leon sa tabi niya habang ang kamay pala nito ang nasa taas ng dibdib niya. "Oh my God!" aniya at naitulak ito palayo, kaya tila nalingat ito. Siya naman ay napabango at itinakip ang blanket sa katawan. Bakit sila magkatabi nito? Bakit narito ito at wala si Alexus?! "Bakit mo ako itinulak?" pupugat pugat pa ang mga mata nang tanungin nito iyon sa kanya. "Ikaw ang dapat tanungin ko. Bakit nandito ka sa tabi ko? Nasaan si Alexus? " Nasapok ni Leon ang ulo at marahang bumangon. Iginala ang paningin sa silid at wala nga ang anak. Pagkaraan ay binalingan si Vexie na tila kamatis na ang mukha. Napatingin si

