Ang buong akala ni Margareth ay ang nasa mansion ang magugulat sa kaniyang pagdating.HIndi niya akalain na siya pala ang higit na mas magugulat ng bumungad sa kaniya ang isang babaeng hindi nalalayo ang edad sa kaniyang mama..Biglang bumilis ang tahip ng kaniyang dibdib sa kaba.Pinagmasdan niya ito habang nagdidilig ng mga halaman sa hardin.Napakasimple lang ng suot nito.Ngunit hindi naman halatang isa sa mga kasambahay.
Sino ang babaeng ito?tanong sa isip ng dalaga..
Pahakbang na si Margareth upang lapitan ang babae.Nang makita niya ang kaniyang ama na lumapit rito at humalik sa pisngi nito.
Bigla ang naramdaman pagcrummbled ng dibdib ni Margareth ng makita ang ganung eksena...
Dito pa talaga sa Mansion dinala ng kaniyang ama ang babae nito.Napakawalang hiya!Makapal talaga ang mukha.
Hindi na iginalang ang namayapa nitong asawa. At dito pa sa bahay nila mismo pinatira ang kabit nito..
Dahan-dahan ang ginawang paghakbang ng dalaga papalapit sa dalawa na abala sa paghaharutan.
Ang kapal ng mukha na tumuntong sa pamamahay nila para doon pa dalhin ang kaharutan..
Kaagad na binigyan niya ito ng malakas na palakpak upang sa kaniya matuon ang atensyon ng dalawa.Hindi man lang napansin ang kaniyang paglapit dahil abala ang mga ito sa paghaharutan.
Awtomatikong napalingon ang dalawa.
Halos magkapanabay pa na umawang ang mga bibig nito.Mababakas sa mukha ng mga ito ang matinding sa pagkabigla ng makita kung sino ang nasa harapan nila ngayon..
Biglang umiba parehas ang awra ng mga mukha nito..Tila ba nakainum ang mga ito ng bleach.Nawalan ng kulay ang mga mukha.
"Ang gagaling..."aniya na halos magtagis ang mga. bagang..."Hindi na kayo nahiya.At dinala mo pa talaga ang babae mo dito sa bahay.."
Si Manolo ang unang nakabawi sa pagkabigla.
Hindi malaman kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyun.Kaytagal na panahong inaasam-asam niya na muling bumalik ang kaniyang anak.At ngayon ay nasa harapan na niya ngayon.
Sa matinding bugso ng damdamin ni Manolo.Mahigpit na niyakap nito ang anak dahil sa matinding pagkasabik.
Nagulat naman ssi Maargareth.Hindi niya inaasahan na yayakapin siya ng ama.Mabilis naa naitulak niya ito palayo.
"Ma-margareth...a..anak.."
Namilog ang mga mata ni Manolo sa ginawa ng anak.Hanggang ngayon ba ay galit pa rin ito sa kaniya.Sa apat na taon na nakalipas ay hindi ba siya nito nagawang mapatawad.
"Ano ang ibig sabihin nito?Bakit nandito ang babaeng yan?"
"A..anak,kumusta ka?Ma..matagal kitang pinahanap.."gumagaralgal ang boses ni Manolo..
Hindi nito pinansin ang tanong ng anak.Mas nanaig ang pananabik nito kay Margareth.
"Talaga ba?pinahanap mo ako?At ng hindi mo ako mahanap,dinala muna yang babae na yan dito sa bahay.Dahil akala mo hindi na ako babalik,ganun ba?"halos maglabasan ang mga litid ni Margareth sa matinding galit na nararamdaman sa kaniyang ama.
"Hi..hindi sa ganun iyun,pero bahay ko pa rin ito."
"Bahay ninyo ni Mama,"sadyang pinagkadiinan pa ang salitang iyun."kaya wala kang karapatan na itira dito ang babae mo."aniya na dinuro pa ang babae.
Bumakas ang kirot sa mukha ng babae ng duruin ito ni Margareth.Hindi maitatago na nasaktan ito sa ginawa ng dalaga..
Mahigpit na pinisil ni Manolo ang palad ni Melit.Nakita niya ang pag-iba ng mukha ng asawa.Alam niyang nasaktan ito sa mga sinabi ni Margareth.
Hindi naman siguro tama na tratuhin ng kaniyang anak ng ganun na lang si Melit.Kahit pa sabihin na may pagkakasala silang dalawa..Matagal na rin naman patay si Editha.Kaya hindi naman siguro masama kung pintunayan at pinanindigan niya si Melit.
Makalipas ang tatlong taon ng pagbababang luksa niya.Nagdesiyon siya na pakasalan na ito kahit may pagtututol mula kay Melit.
Ngunit mas gusto niyang maging legal ang pagsasama nila ni Melit.
Mabigyan niya ng kapayapaan ang kalooban nito.
At hindi matawag na kerida o kabet.
"Asawa ko na siya Margareth,kaya huwag mo naman siyang babastusin.Bigyan mo naman kahit kunting respeto si Melit."
"What?"tila nabingi si Margareth sa tinuran ng kaaniyaang ama."Did I heard right?"
"Asawa ko na si Melit."pag-uulit ni Manolo.
Napaawang ang bibig ni Margareth.HIndi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.So,hindi nga siya nabibingi lang.At buong pagmamalaki pa na inulit ng kaniyang ama ang mga katagang iyun.
Pakiramdam ni Margareth ay sasabog siya ng mga oras na iyun.
Sasabog sa matinding galit na nararamdaman sa kaniyang ama.
Hindi na talaga nito isinaalang-alang ang kaniyang Mama.At nagawa pa nitong pakasalan at iuwi sa bahay na ito.
Ito ang dahilan ng pagkawasak ng kanilang pamilya.
Ang dahilan kung bakit namatay ang kaniyang Mama.
Tapos ngayon madadatnan niya na isa na itong buo at masayang Pamilya.
Ang alalala ng kaniyang Mama ay itinapon na lamang basta ng kaniyang ama.Maging siya ay hindi man lang nito naisip talaga kung ano ang kaniyang mararamdaman.
Talagang wala na ba kahit katiting na halaga siya sa kaniyang ama.
Masaya na ito sa bagong pamilya.
"Margareth..anak."anitong akmang hahawakan ang anak.
Mabilis ang ginawang pag-iwas ni Margareth sa kaniyang kamay.
"Apat na taon na ang nakalipas."muling saad nito."Kalimutan na natin ang lahat at magsimula tayong muli."may pagsusumamong wika ni Manolo.
Ngayon bumalik na ang kaniyang anak ay wala siyang ibang hangad kundi ang magkaayos silang mag-ama.
Maanghang na natawa si Margareth sa winika ng ama.Ang gusto nito magkaayos sila?Pagkatapos ng nalaman niya.Sa tingin nito magkakayos pa silang dalawa.
"Patawarin muna ako,HIja.Magsimula tayong isang buong Pamilya."
"Isang buong pamilya?kasama ang pamilya mo sa pagkakasala."
"Margareth..Pamilya ko na sila."pagtatanggol ni Manolo sa pangalawa nitong pamilya."Anak,wala akong ibang hangad kundi ang patawain mo."
"Patawarin?"maanghang na wika ni Margareth.."paano ko sayo ibibigay ang kapatawaran ko.Lalo mo lang dinagdagan ang kasalanan mo sa akin.Ang ginawang mong pagpapakasal at ang pagpapatira mo sa babaeng yan."
Halos maglabasan ang ugat sa litid ni Margareth sa matinding galit sa ama.
Mas higit at doble ang pagkasuklam niyang nararamdaman ngayon sa ama.
"Margareth,asawa ko na si Melit at bahay ko pa rin ito.."
"At isang bagay na hindi ko matatanggap.At gagawin ko ang lahat para ibalik sila kung saan sila nararapat."
"Margareth,huwag ka naman maging bastos.Si Melit ay asawa ko na."
"Wow!ako pa ang bastos ngayon."aniya."Hindi na isang kabet..Asawa na ngayon.Ay,di magaling!Ang galing ninyo!kaya naman pala malakas na ang loob na lumantad dahil asawa na sa tagal ng pagiging kabet."puno ng pang-iinsultong turan ni Margareth.