Kabanata 9-akusa

1000 Words
Pasado alas-nueve na ng umaga ng bumalik si Margareth sa hotel, Medyo masakit pa ang kaniyang ulo gawa ng hang-over.Marami-rami rin kasi ang nainum nila ng mga kaibigan.. Pabagsak na inilatag ang katawan sa kama...puyat siya dahil ilang oras lang ang kanilang tulog kagabi..Inabot na sila ng madaling araw sa pag-inom. Ipinikit niya ang mga mata. At tuluyan na itong nakatulog.. Mag-aalas kuwatro na ng hapon ng magising si Margareth.Oh s**t!napahaba ang kaniyang tulog Umorder muna siya ng pagkain bago tinungo ang banyo upang maligo. Panay ang katok ni Brylle sa labas ng pinto ng room 406.n Ngunit walang nagbubukas. Nangangalay na ang kaniyang braso sa dala-dala niyang tray na may pagkain.. "Antagal naman.. Bingi ba ang nasa loob at hindi marinig ang ginagawa niyang pagkatok.Aba'y halos kalabugin na nga niya sa huli para marinig ng nasa loob.Ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto. Sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pinto.Hindi iyun naka-lock. Marahan nya itong itinulak. Nagpalinga-linga muna ito bago pumasok ng kuwarto.Wala naman tao.Ngunit ang unna nakatawag sa kaniya ng pansin ay ang pagiging magulo ng nag-ookupa ng kuwarto. Andami na mga gamit ang nakatiwanıgwang lamang kung saan,pati mga damit ay nagkalat sa sahig..Ano ba naman ito? Napailing si Brylle.Lalo na ng mapagtanto na babae ang nag-ookupa sa room, base sa mga nagkalat na damit. Naturingan pa naman babae pero super naman sa kalat. Naiiling na inilapag ni Brylle ang dalang pagkain sa mesa. At inisa-isang pulutin ang mga kalat. Sobra naman ang babaeng ito.Hindi man lang marunong mag-organize ng gamit,ultimo damit ay hindi man lang nito magawang idiretso nasa laundry basket para hindi naman nagkakalat. Hays!may mga babae talagang hindi man lang marunong magligpit at mag-ayos.Kawawa naman ang mapapangasawa nito kung sakali,burara na nga may pagkabastos pa sa mga hinubad na damit.. Napaawang ang bibig nito ng ang huling madampot nito ay kulay pulang kapirasong tela,bigla ay tila pinagpawisan siya ng mahinuhang underwear na pala ang kaniyang nadampot.. Napatda si Margareth.Hindi niya inaasahan na sa kaniyang paglabas sa banyo ay may madadatnan siyang tao na hindi niya kilala. Bigla ang kabang bumundol sa kaniyang dibdib.Ngunit pinilit niyang huwag maghisterikal.. "who are you?"lakas loob na tanong ni Margareth. Nakatalikod ito. Bigla ang pagpihit ni Brylle mula sa pagkakatalikod. Napaatda siya ng makitang bagong ligo ang babae dahil nakatapis lamang ito ng tuwalya.Tumutulo pa ang basang buhok..Nasa banyo pala ito kaya siguro hindi naririnig ang kaniyang pagkatok kanina. Bahagyang napalunok ng laway si Brylle. Ngunit mabilis na sinaway kaagad ang sarili. Nawala ang medyo kabang naramdaman kanina ni Margareth ng mapasadahan ang suot nito.Isa sa mga employee ng hotel base sa suot nitong uniform.Kaya medyo nakampante si Margareth . Akala pa naman niya ay kung sino na ang nakapasok. At may balak na gawan siya ng masama..Ngunit isa itong employee ng hotel at trusted naman niya lahat ng employee kaya wala naman siya sigurong dapat na ipaangamba. "Magandang hapon po Ma'am.Hi-hinatid ko lang ho yung pagkain.." Napatango si Margareth. Okay na sana eh,kaso lang napansin niya ang hawak nito.Agad na nagsalubong ang mga kilay ng dalaga.Sapagkat,ang hawak-hawak ng lalake ay ang kaniyang undies..Oh my!anong ginagawa nito?At may balak pa ata na nakawin ng lalaking ito ang kaniyang undies. dahil bakit nasa mga kamay nito...Gosh!baka may binabalak itong masama sa kaniya. Hindi kaya balak siya nitong ipakulam o di kaya naman ay gayumahin..Napakawalanghiya! "Ba_bakit hawak mo yang..yang ano ko.."may galit sa tinig na wika ni Margaret. Hindi mabigkas ang hawak nito na kaniyang undies.Pahablot na kinuha iyun sa lalake. Medyo kinabahan si Brylle. Nakita niya ang galit sa mukha ng babae. Ngunit pinili pa rin na maging kalmado.Tutal ay wala naman siyang ginagawang masama. "Ma_may balak kang masama ano?Tatawag ako ng guard.."nagpapanic na si Margareth. "Ma_mam,teka lang naman."medyo nataranta na rin ssi Bryle ngunit hindi ito nagpahalata."kalma lang ho kayo, wag kayong matakot.Wala akong balak na masama sainyo." "Anong wala..lu_lumabas ka rito.Maniac.."singhal ni Margareth. Siya maniac?Ah..hindi naman pwedeng akusahan na lamang ssiya ng babaeng ito.Anong palagay ng babaeng ito sa kaniya. Isang hayok sa laman.. "Mam,makinig ho muna kayo bago kayo mang-akusa.Hindi ko sinasadya na maha-hawakan yan..yang ano nyo.."paliwanag ni Brylle. Namilog ang mga mata ni Margareth ng inginuso pa nito ang tinutukoy.Ang bastos talaga ng lalakeng ito. "Guard,,,security.."sigaw ni Margareth.. Nataranta si Brylle.Bigla naa lamang kasi itong ssumigaw. Naku,lagot na. Mabilis pa sa kidlat ang mga naging kilos ni Brylle. Mabilis niyang nahila ang babae palapit sa kaniya.Kulang na nga lang ấy magyakap sila sa sobrang pagkakalapit nila. Muli ay napalunok ng laway si Brylle. Lalo na ng bahagyang madikit ang balat nito sa kaniyang braso..parang tila may kung anong kuryente na dumaloy sa kaniyang buong katawan.. Oh s**t!umayos ka Brylle. 'Nagkakasala ka sa isip mo'kastigo ni Brylle sa kaniyang sarili. May girlfriend kana,baka nakakalimutan mo. Lalo namang napamulagat ang mga mata ni Margareth ng marealize ang posisyon nilang dalawa ng lalake... "A..anong ginagawa mo,walang hiya ka talaga.."pagpupumiglas ni MArgareth. "HUminahon muna nga kayo..pakinggan nyo muna ako,bago kayo magpanic attack diyan." "Huminahon...paano akong hihinahon..you are a maniac..tingnan mo nga kung anong ginagawa mo sa akin,,bi_bitiwan mo ako."may diin wika ni Margareth.. "Isa pa mam..sabihan nyo pa akong maniac,at hahalikan ko na talaga kayo.."may pagbabanta sa tono ni Brylle,nakakarami na ang babaeng ito.."kapag hindi pa talaga kayo tumigil sa pang-aakusa talagang matitikman mo ang labi ko." "Aba't"at ito pa talaga ang may ganang pagbantaan siya..ano daw sabi nito?hahalikan siya kapag hindi siya tumigil..bakit hindi pa ba manyak ang tawag sa ginagawa nito na halos lingkisin na ang kaniyang katalan..tapos makapal pa ang mukha nito para sabihing matitikman nya ang labi nito..Oh gosh!At ano naman ang palagay ng lalakeng ito na gusto niyang matikman ang labi nito,,bakit anong special mayroon sa labi nito..HUh!ang kapal ng mukha.. "Sinasabi ko sayo,bitiwan mo ako or else ipapakulong talaga kita."may pagbabanta sa tinig na wiki ni Margareth. Sapagkat kanina pa siya naiilang sa puwesto nilang dalawa ng lalakeng ito lalo na at tuwalya lamang ang tanging saplot niya sa katawan.baka lalong pasukan ng kademonyohan ang utak ng lalakeng ito at tuluyan siyang gawan ng masama..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD