- Honey -
“Goodmorning mga ate" masayang bati ko sa mga ate ko.
Busy na ang mga ito para sa pagpasok sa trabaho maski rin naman ako. Bago pa ako bumaba ay nakapaghanda na ako. Kahit maaga akong nagigising para sa pagpasok ay palaging mas nauunang magluto si Ate Akeera. Madalas kasi ay inuumaga na ito sa pagsusulat ng mga romance novel.
Lumapit ako sa kanila at tumabi kay ate Gail.
“Wow ang sarap naman nitong sangag na may laing mo Beshy!" ngumunguya pa si Lily na mukhang bagong gising din pero hindi naghilamos.
“Ako pa ba."
Nagkukwentuhan pa ang ilang kaibigan ko habang si Max ay mabilis ang pagkain na para bang nagmamadali. Ako naman ay nagtimpla ng gatas. Ako lang sa aming magkakaibigan ang naggagatas. Lahat sila ay puro kape o 3-in-1.
Si Ate Gail ay hindi masiyado sa kape, kahit may sarili itong coffee shop. Siguro dahil sa araw-araw na naaamoy niya ang kape ay naumay na siya. Si Ate Akeera at Ate Lily lang ang pro magkape. Habang si Ate Max naman ay minsan lang pwera na lang kung kailangan sa trabaho at ganun din si Ate Cassey.
Masayang natapos ang breakfast namin. Si Ate Akeera ay matutulog na sa magdamag na pagsusulat. Habang si Ate Lily naman ay trip na naman atang maghanap ng trabaho kapag na-bored sa buhay. Grabe, siya lang ata ang bukod tanging anak mayaman na gusto ang sahod ay mas mababa pa sa minimum wage. Kung tutuusin kayang-kaya nitong magtayo ng sariling business. Kaso ang katwiran naman ni Ate Lily ay hindi daw niya feel ang magnegosyo. Mayaman naman daw sila kaya hindi na niya kailangan. Grabe lang.
Si Ate Cassey naman ay isang hardworking mom dahil isa itong nurse. Super cute pa naman ng anak nitong si Mickey. Habang si Ate Gail naman ay masasabi kong average ang pamumuhay dahil nakapagpatayo ng sariling negosyo. Okay na sana ito dahil mala-perfect na ang magandang mukha at may maayos na hanap buhay. Sumablay lang dahil sa crush nitong palagi niyang ini-stalk. Si Lance na Kuya ni Ate Max. Speaking of Ate Max, siya ang may-ari ng bahay kung saan kami ngayon nakatira. Isa itong kasapi sa NBI. Kung anong kinaganda at kinatalino nito ay ganun din ito kaastig. Mas lalaki pa ito sa tunay na lalaki, pero siya ay isang straight. Napagkamalan lang minsan na tomboy dahil sa astig niyang galawan. Sobrang talino pa na akala mo ay alam na ang mangyayari sa future.
Ako naman ay heto lang, isang bagong teacher na mula pa sa Bulacan. Nagpunta lang ako dito sa Manila para makahanap ng trabaho at pinalad naman na makapasok sa isang private school na tanging mayayamang tao lang ang pwedeng mag-aral. Kadalasan kasi sa mga nag-aaral ay kung hindi anak ng mga politician ay mga mayayamang negosyante. Ito ang unang taon ko sa paaralan ng Heaven Academy.
Iniwan ko ang tatlong tiyahin ko na sila Tiyang Alma, Tiyang Norma at Tiyang Emma na puro mga matatandang dalaga. Oo, sila ay hindi nagsi-asawa dahil sa pag-aalaga sa akin. Hindi ko nakilala ang biological father ko, pero ang sabi ng tiyahin ko ay walang kwentang tao daw iyon kaya hindi ko na dapat pang malaman. Ang totoo kong nanay ay matagal ng namayapa ng ipanganak ako. Nahirapan daw ito sa panganganak. Kaya ang tatlong tiyahin ko ang siyang naging Nanay at Tatay ko na. Masaya ako sa pagmamahal at pag-aalaga nila sa akin. Ang kaso nga lang ay takot ako sa mga ito. Masiyado silang mahigpit sa akin. Marami ang bawal, kaya isa akong masunurin. Maski ang pagsasalita at galaw ko ay kailangan ay nasa ayos. Ganun na rin sa pananamit ko na madalas akong ma-bully dahil sa pagiging manang ko at malaking salamin sa mata. Ang tanging tagapagtanggol ko lamang ay ang matalik kong kaibigan na naiwan sa Bulacan ay si Samantha. Siya lang ang maituturing kong kakampi ng panahon na palagi kaming tuksuhin. Namiss ko tuloy bigla ang kaibigan kong iyon na kahit madalas nabibingit sa gulo ay napakabait na kaibigan naman. Madadalaw ko rin ang best friend kong iyon sa pagdating ng bakasyon.
“Sinong gusto sumabay?" tanong ni Max habang inaayos ang big bike nito.
Malakas akong umingil. Nakakatakot sumakay sa Ducati ni Ate Max dahil bukod sa mataas iyon ay mabilis pa itong magpatakbo. At saka hindi rin pwede sa akin ang sumakay sa motor ng aming kaibigan dahil ang dami kong bitbit na folders at books para sa school. Hinila ako ni Ate Cassey, isa din ito ayaw sumakay sa motor ni Ate Max dahil takot.
“Maglalakad na lang kami sa may kanto para sumakay ng jeep ni Honey." salita ni Cassey na puting-puti sa suot na uniform.
“Ikaw Gail?" tanong ni Max.
“Mmmm.. Pwedeng dumaan saglit sa hospital? Sisilip lang ako." parang kinikilig pang salita ni Gail.
Alam na namin ang ibig nitong sabihin. Mabilis na umiling si Max at biglang sumakay sa big bike nito.
“Hindi na. Alam ko naman na hindi lang silip ang gagawin mo kundi tambay. Sumabay ka na lang kay Cassandra."
Napasimangot ang magandang mukha ni Ate Gail.
“Kung ako sayo, wag ka ng mangarap maging sister in law yang si Max. Wala man lang kalambing-lambing sa katawan. Ayaw kang suportahan."
Biglang litaw ni Lily na nagtitinga pa. Kahit parang sinambunutan ang buhok nito ay maganda pa rin ang posture. Kakaiba kasi ang lahi nito tapos anak mayaman pa.
“Halika na Gail." hinila ni Ate Cassey si Ate Gail at nagpahila naman ang huli.
Nauna ng umalis si Ate Max. Habang pumasok naman sa loob ng bahay si Ate Lily na mukhang may balak magliwaliw ngayong araw. Si Ate Akeera tiyak ay nagpapahinga na ngayon.
Sanay na rin kami sa ganitong gawain sa tuwing umaga kapag papasok sa trabaho. Naghihiwalay lang kami sa jeep dahil ako ang mas nauunang bumaba. Habang magkaibang ruta na si Ate Gail at Ate Cassey.
Ilang oras lang ay nakarating na rin ako sa school na aking pinagtatrabahuan. Sa katunayan niyan ay hectic na ang schedule ko ngayon. Lalo pa at malapit na ang bakasyon. Ang tinuturuan kong grade one ay kailangan ko ng gumawa ng report. Kahit na grade one palang ang mga ito ay ang daming activities na ginagawa. Nung nag-aaral ako ng elementarya ay hindi naman ganito kabusy. Siguro dahil nasa private school at talagang sinusulit ang bawat tuition na pinapambayad ng magulang sa kanilang anak. Halos lahat tuloy ay matatalino at accelerated hindi dahil sa yamang taglay ng mga bata kundi talagang matataas ang mga IQ. Siguro dahil mahal ang kanilang gatas nung sanggol pa sila.
Binati ako ng ilang guwardiya. Mga co-teacher ko na tinatanguan ko habang naglalakad sa hallway. Wish ko lang hindi ko masalubong ang dalawang ka co-teacher ko na makukulit. Mababait naman sila ang kukulit lang at maiingay. Madalas nga silang nasasaway ng School Admin.
Dahil 8 am pa naman ang pasok ng mga estudyante, may trenta minutos pa ako para makapaghanda. Pagpasok ko sa classroom ay nagprepare na ako una kong binuksan ang aircon para lumamig at kumuha rin ako ng pamunas para maglinis ng desk. Ganun din sa upuan at lamesa ng mga bata. Hindi naman dumihin ang room dahil may janitor na madalas maglinis pero gusto ko pa rin ang maaliwalas na kapaligiran. After 15 minutes ay tapos na rin ako at nagsimula na rin magsipasok ang mga estudyante ko.
Kukunti lang naman ang mga estudyante ko, sampung babae at sampung lalaki. Kaya hindi naman mahirap silang sawayin, may iilan lang talaga na makukulit na hindi maiwasan.
“Goodmorning Class!"
“Good morning Teacher Honey!" malakas na sagot ng mga bata.
Napatingin ako sa bakanteng upuan, wala pa si Misty. Alas-otso na, pero wala pa ang bata. Hindi naman ito pala-absent. Ah baka na-late lang. Mag-iinform naman ang guardian nito kung may sakit ang bata.
Matapos ang prayer ay nagsimula na akong magturo ng bumukas ang pintuan ng aming classroom. Kaya napatigil ako.
Si Misty na malawak ang pagkakangiti.
“Goodmorning Teacher Honey."
“Goodmorning Misty. Why are you late?" ngumiti ako sa kaniya, hindi ko naman makuhang magalit dito dahil wala naman dapat ikagalit. Ngayon lang naman ito na-late.
Tumigil muna ako saglit sa pagsasalita kaya ang mga bata ay sa amin napatingin. Lumapit ako kay Misty na hindi umaalis sa pintuan.
“My Uncle is here." ngiting ngiti ito sa akin. Mabuti na lang talaga at sobrang ganda ng batang ito na para bang anghel.
Hinawakan ko si Misty para umupo na ito sa kaniyang chair, pero nagulat ako ng may isang malaking tao ang nasa labas room kaya napasilip ako.
Kulang na lang ay magbuhulan ang aking hininga ng makita ko kung sino iyon. It's Xander!
“Im sorry we're late. May dinaan pa kami." his voice so masculine. Para bang mula sa ilalim ng lupa kung magsalita ito na nakakatindig balahibo.
“A-ah o-okay. No problem S-sir." simple kong sagot.
Halos hindi ko kayang salubungin ang mga mata nitong nakakalusaw ng kaluluwa.
Inabot nito sa akin ang bag ni Misty at ang kaniyang lunch box. Kahit parang gusto ko manginig ay hindi ako nagpahalata. Namamawis ang noo ko kahit na ang lamig-lamig ng buong classroom. Bakit naman ganito kasi ito tumingin?