SADKM:EP13 Ang Tunay na Nararamdaman

1069 Words
SADKM:EP13 Ang Tunay na Nararamdaman Sumakay na sina Cara sa kotse ni Joey, kasama ang kaibigan niyang si Akhie. Hinatid na ni Joey si Cara, hindi na niya dinala sa kahit saan pa dahil nasa mukha at katawan na niya ang bakas nang pagod sa trabaho. “hanggang dito nalang ako ahh, gusto mo ba na ihatid pa kita bukas sa trabaho mo? Sunduin kita dito?” tanong ni Joey. “Huwag na,” maikling sagot ni Cara. Tinapik ni Cara ang balikat ni Joey at umuwi. Si Joey naman ay sumakay na rin nang kotse niya at umalis. Dahil sa iskandalong ginawa ni Maxine ay dinala siya ni Loui sa restaurant at doon nag-usap. “Bakit mo ba ginawa ‘yon? Sinabihan na kita!” galit na sabi ni Loui. “Sinabi ko na rin kanina ang sagot ko sayo! Ano bang problema? Tsaka ang dami ko nang pinahiyang babae na umaaligid sayo! Bakit kay Cara ka lang naging ganyan?” naka-kunot noong sabi ni Maxine. “Binibigyan mo lang nang issue ang lahat! Kahit wala naman dapat ikaselos nag-seselos ka!” sigaw ni Loui. Iniwan ni Loui si Maxine sa restaurant. Si Maxine naman ay hindi na sinundan pa si Loui, hinayaan niya lang itong umalis at tinawagan ang driver niya para sunduin siya. “Mang Tony, sunduin mo ko,” ani Maxine. “Humanda ka sakin Cara, kikilalanin kita kung sino ka talaga! Ipapakilala ko kay Loui kung anong baho mo!” bulong sa isip ni Maxine. Kinabukasan, Inabangan ni Joey sa harap ng simbahan si Cara, dahil gusto niyang ihatid ito. Saktong lumabas naman si Cara sa lugar nila at nilapitan ni Joey si Cara dahil hindi siya nito nakita. “Cara, musta ka na? okay ka na ba? Hatid na kita?” nakangiting sabi ni Joey. “Sir, please lang Sir, Tigilan niyo na po ako!” ani Cara. “Cara, gusto kita! Gustong gusto kita! Totoong gusto kita! Hindi lang dahil sa painting! Dahil talagang nagustohan kita!” ani Joey. “Ganon na lang ba kadali sainyo ang sabihin na gusto niyo ang isang tao? Tinanong mo ba sakin kung gusto kita?” tanong ni Cara. “Hindi kita tinanong, pero gusto mo bang tanungin kita?” balik na tanong ni Joey. “Sir, wala naman po tayong pag-uusapan na maayos, mas mabuti nalang po na paunahin niyo na ko ahh, late na ko sa trabaho ehh,” ani Cara. “Joey nalang ang itawag mo sakin! Sige, ikaw bahala kung sasakay ka diyan. Tingnan nalang kita na makaalis,” ani Joey. Pumunta sa sakayan si Cara at naghintay nang dadaan na jeep, late na late na si Cara sa trabaho niya at wala na rin siyang masakyan dahil puno na ang jeep pagdating sa kanila, marami rin nakapila na pasahero sa sasakyan niya. Lumapit si Joey sa kanya at binulungan siya nito. “Ano? Hatid na ba kita o maghihintay ka pa rin ng jeep?” bulong ni Joey kay Cara. “Maghihintay ako!” ani Cara. Tumayo ulit si Joey sa gilid, para abangan ulit si Cara na makasakay at dinadasal pa niya na walang dumating na jeep, pero ilang minuto lang ay may dumating na jeep at wala itong laman. Sumakay na si Cara at sumilip pa kay Joey, kumaway pa ito kay Joey na dahilan ng pagkapikon sa kanya nito. Bumalik ulit si Joey sa sasakyan niya at inunahan na makarating si Cara sa Mall na pinapasukan niya. Hinintay niya ulit si Cara na dumating doon at nang dumating si Cara ay bwisit na bwisit nang makita siya. “Ano ba Joey! Hindi mo bako tatantanan?” galit na sabi ni Cara. “Pwede ba ko manligaw? Liligawan kita! Gusto kita ehh!” ani Joey. “Hindi pwede Sir! Hindi pwede kaya tumigil ka na!” galit na sabi ni Cara Nasa trabaho na si Cara at hindi makapag-focus sa ginagawa niya, nararamdaman niya kasing pinag-bubulungan siya ng mga ka-trabaho niya. Sinubukan ni Cara na iwasan at hindi na intindihin ang mga taong pinag-uusapan siya, pero sa tuwing dadaan siya ay pinaparining pa sa kanya ng mga ka-trabaho niya. Tumingin si Cara sa Second Floor ng Mall at nakita niya na naman na naka-tingin sa kanya ang boss niyang si Loui. Tiningnan niya rin ito, pero umalis si Loui sa pwesto niya. “Anong iniisip mo bess? Ang lalim niyan ahh,” ani Akhie. “Iniisip ko ang nangyari kahapon, tingin mo ba galit sakin si Sir? Ako naman kase talaga ang may kasalanan ehh, hindi sana magagalit si Maxine kung hindi ako ngumiti kay Sir,” ani Cara. “Alam mo bess, maganda ka kase kaya nga lahat ng katrabaho natin pinag-uusapan ka ehh, nalaman kase nila na yung nagsusundo sayo ay isang sikat na painter! Bakit lahat ng bigboss attracted sayo! Kainggit ka gurl ahh!” pabirong sabi ni Akhie. Dahil sa sinabi ni Akhie kay Cara ay tumingin si Cara sa mga ka-trabaho niya. Naisip niya rin kung ano nang lagay ni Joey ngayon. Bumalik na si Cara sa trabaho niya at natapos niya na rin ito, pero kailangan niyang i-report kay Loui ang natapos niya. Nasa harap na ni Cara ang pinto ng office ni Loui, pero kinakabahan siya na natatakot na harapin ito, pero kailangan niya dahil kasama ang bagay na ‘yon sa trabaho niya. Binuksan niya ang pinto ng office at nakita niya si Loui na nakatayo at naghihintay sa kanya. “Anong ginagawa mo sa labas? Bakit ayaw mo pa pumasok?” tanong ni Loui. “Sir, ito tingnan niyo na po kung okay na ang natapos namin at kung ano po ang kulang,” ani Cara. “Nakita ko na kanina, wala naman kulang. Kung ano yung sinabi ko ay yun yung lumabas, Hayss! Nakakapagod ang trabaho,” ani Loui. “Sir? Bakit kase hindi kayo naghahanap ng pwedeng umupo sa pwesto niyo? Yung malaki ang experience pagdating sa ganyan, Bigboss kayo Sir! Pwede naman na magpahinga ka na lang sa bahay niyo at mag-chill,” ani Cara Sinagot ni Loui ang tanong ni Cara at habang sinasagot niya ‘yon ay dahan dahan siyang naglalakad palapit kay Cara. “Alam mo kase, naghahanap ako nang babaeng kasama ko mag-chill! Yung babaeng kayang sumabay sa trip ko at maganda, gaya mo!” ani Loui. Namumula na naman si Cara at lumalakas na naman ang t***k ng dibdib niya. Naririnig na naman kase niya ang malalambing na tono nang boses ni Loui. Dahil sa kaba ay sinubukang awatin ang paglapit ni Loui at nadikit ang kamay ni Cara sa dibdib ni Loui at naramdaman niya rin na malakas ang t***k ng puso nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD