"Mukhang maganda ang relasyon niyo ng kaibigan mong 'yon ah?" makahulugang sabi ni Tita Edith habang tinutulungan niya akong ayusin ang dinala kong gamit sa kuwarto. Napatigil naman ako sa pagtitiklop ng aking damit at saka napangiti bago nilingon si Tita. "He was always there for me, Tita..." sabi ko. "I already figured that out..." Tita Edith smiled. "Talaga bang magkaibigan lang kayo?" Nahihiya akong napayuko. Hindi ko rin alam kung ano ba ang tamang sagot para riyan pero sa ngayon ay magkaibigan pa lang naman kami ni Danzel. Nothing's official between us yet, and there's no need to rush everything. We have more time ahead of us that what we've lost. "Opo..." sagot ko ng matapos mag-angat ng tingin kay Tita. "Magkaibigan lang." Nakita kong napataas naman ang kilay ni Tita Edith n

