My mind was clouded for the whole day. Hindi ko na naituloy ang mga plano kong gawin sa araw na 'yon. Hindi pa ako nakakasagot sa mensahe ni Erin para sa akin. Gusto ko siyang kausapin ngunit hindi ko inakalang siya pa mismo ang lalapit sa akin. Ang galit na ipinakita niya sa akin noong isang gabi ay sariwa pa. Natatakot akong baka hindi lang kami ulit magkaintindihan, ngunit ayaw ko rin naman palagpasin ang tiyansang ito. Baka mahirapan akong makausap siya kung ako ang kukumbinsi sa kanya. Natigil lang ako sa pag-iisip nang makatanggap ng bagong mensahe mula kay Danzel. Doon lamang din napansin na mayroon ding galing kay Keanna. I read Danzel's message first, saying that he's already on his way to pick me up and was sent fifteen minutes ago. Napatayo agad ako mula sa aking kinauupua

