Chapter 22

2946 Words
Pagtunog ng alarm clock ay awtomatikong dumilat ang aking mga mata. Tulog pa ang aking katawan at ayaw pang bumangon ngunit ang aking isipan ay naglalayag na sa pag-iisip kung ano ang trabahong kahaharapin ko ngayong araw. Balak ko pa sana ipikit ang aking mga mata at magbilang ng limang minuto, ngunit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Baka dumilat akong muli ay tanghali na ang gising ko. Pinilit ko ang sarili kong bumangon sa kama at agad kong naramdaman ang pagkirot ng mga kalamnan sa aking mga braso, hita at binti. Mali ata ang desisyon kong maligo at lumangoy kahapon lalo na at medyo malakas ang alon. Napwersa ang aking katawan sa paglangoy kaya ngayon ay kumikirot ang mga ito. My thoughts suddenly traveled and recalled what happened yesterday. The corners of my lips voluntarily curved and a smile escaped from my lips. Memories shared with him are those memories that I should label something insignificant but instead of doing so, I'm treasuring those memories even more. No matter how much pain he's causing me, the happiness I'm feeling whenever I'm with him can overlie the pain. "Nathen! Namiss kita!" Iyon ang bungad sa akin ni Lean nang buksan niya ang pintuan ng van upang makapasok ako sa loob. I just chuckled and shook my head before I went inside the van. I sat beside her always, and she came even closer to me. "Nakita kayo ni Jigz kahapon ni Sir Riley," maligalig niyang bulong sa aking tainga. "Sumakay pa raw kayo ng yate. Basa raw si Sir Riley at ika'y basa rin daw ang buhok." "Uh... Naabutan ko siyang nasa dalampasigan sa likod ng bahay namin. Sinamahan niya lang akong magpalipas ng oras sa dagat at saka ako hinatid pauwi," sabi ko nalang at bahagyang nag-iwas ng tingin. Noon ko pa nararamdaman ang na may lahing pagka-tsismosa itong si Lean. Mahilig siyang magtanong-tanong patungkol sa mga bagay-bagay lalo na kapag kusyoso siya. "Nagdate kayo ni Sirl Riley?" Halos sumigaw na siya sa loob ng van. Mabuti na lang at medyo mahina pa ang kanyang boses. Mukha ring wala pakiaalam ang dalawa ko pang kasamahan sa trabaho na nasa likuran namin ni Lean nakaupo at mukhang may ibang pinag-uusapan. "Hindi date 'yon!" Giit ko. "Nathen, kayong dalawa lang magkasama at nagsaya kahapon," sabi niya naman. "Kung hindi date 'yon, anong tawag mo roon?" "Sinamahan niya lang talaga ako bilang kaibigan," sabi ko na lang. "Ah! So, friendly date!" nakangisi niyang sabi at tila may gustong iparating. I slightly frowned at her. "Lean, baka nakakalimutan mong may girlfriend si Sir Riley. Mukhang todo bigay kung itulak ako sa kanya." Umirap naman si Lean at humalukipkip. "Girlfriend pa lang naman." sabi niya. "May ibang mga mag-asawa ngang naghihiwalay, eh, sila pa kaya ng boyfriend pa lang? Don't get me wrong, this is not new either. Duh! We are now in the true reality of the world. Pero bagay kayo ni Sir Riley. Sana kayo na lang dahil kung magkataon ako ang unang magiging fan ng loveteam niyo." Halos mapahilamos na lamang ako sa aking mukha dahil sa mga pinagsasabi ni Lean. Nagpahirap sa akin ang pagsang-ayon ng kalahati ng aking utak sa kanyang mga sinasabi habang ang kalahati naman ay sinasabing magtino ako at kumokontra. "Kung naging kayo ni Sir Riley noon, abay' magdidiwang talaga ako. Ibig sabihin lang no'n ay more chances of winning," dagdag niya pa. And because of what she said, I will never tell her the real thing about what Riley and I had before. Tingin ko'y hindi niya ako papatahimikin kapag sinasabi ko sa kanya ang katotohanan na dati kaming magkasintahan. Nang makarating kami sa The Seacoast ay sa hotel kaagad ang aking diretso. Naging normal ang pagtakbo ng aking pagtatrabaho. So far, I was able to shove away unnecessary thoughts while I was working. Saktong lunchtime ay narinig at naramdaman ko na ang pagkalam ng aking sikmura nang dahil sa gutom. Hindi rin naman kasi ako nakakain ng maayos kaninang madaling araw dahil sa pagmamadali kong pumasok. Masyado kong ginugol ang iilang oras ko sa pagmununi-muni kaysa magsimula nang gumayak para sa pagpasok sa trabaho. "Nathen, sabay ka ba sa'ming kumain?" tanong sa'kin ni Donna. Umiling naman ako bilang sagot. "Uuwi ako sa amin para roon na kumain ng tanghalian," dahilan ko. "Siguro'y sa susunod na lang." "Oh, sige. Kung 'yan na talaga ang plano mo ngayong araw," nagkibit-balikat na lamang siya. Ngumiti na lang ako at nagpaalam na sa kanila bago naunang lumabas ng quarters. Halos mabuwal naman ako nang madatnan ang lalaking nakaharang sa harapan ng quarters, pagkalabas ko. Nag-angat naman ako ng tingin sa lalaki. I almost gasped when I saw Riley standing in front of me. "Ano ba 'yan, Riley! Nakakagulat ka," sabi ko naman at saka bahagyang tinapik ang aking dibdib. He let out a manly chuckle. "You won't be working for the rest of the day," he told me and grabbed my wrist. Mabilis ko namang kinalas ang kanyang kamay sa akin. "Anong hindi magtatrabaho? Magtatrabaho ako!" sabi ko dahil mukhang balak nanaman akong pauwiin at ngayo'y alam kong wala ng wastong dahilan para hindi ako magtrabaho. "Oh! Let me rephrase what I've said," he said. "You won't be working at the hotel for the rest of the day. You're still gonna work by being with me today. You need to accompany me." Nanliit naman ang aking mga mata habang nakatingin sa kanyang umaaktong parang inosente habang nakangiti. "Bakit parang hindi ako naniniwala sa sinasabi mo?" pagdadalawang-isip ko. Natawa naman siya. "If you want, you can ask Mrs. de Cruz about it. Para lang maniwala kang sa'kin ka buong maghapon." Halos hindi ako makahinga ng maayos nang dahil sa mga ginagamit niyang salita. Sa kanya raw ako buong maghapon... Kay sarap sanang pakinggan pero alam kong wala naman iyong ibang kahulugan. "Let's go!" Napatianod naman ako sa paghatak ni Riley nang muli niyang hawakan ang aking palapulsuhan at para bang nayanig ang buong mundo ko nang dumausdos ang kanyang kamay patungo sa aking kamay. Akala ko'y aksidente lamang ang iyon na dumulas ngunit nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa aking kamay ay halos hindi na ako makahinga ng maayos. Hindi man lang niya pinagbitiw ang kamay naming magkahawak. "Riley, puwede bang idaan mo muna ako sa amin? Kina Tito at Tita Edith... Hindi pa kasi ako kumakain ng tanghalian," nag-aalangan kong sabi nang maayos na ang pagkakaupo namin sa loob ng sasakyan. "Kung gusto mo'y balikan mo nalang ako pagkatapos. Sandali lang naman ako." "Hindi ba pwedeng sumabay na lang din ako sa pagkain sa inyo?" bigla niyang tanong nang simula ng paandarin ang sasakyan. "Ah, eh, bakit ka sasabay? Wala ba kayong bahay kung saan ka kakain?" sagot ko saka nag-iwas ng tingin. "Chance ko na 'to para i-grant ang request ng Tito at Tita mo no'ng huli," rason niya. "Bahala ka diyan." Hindi na siya nagsalita pagkatapos no'n kaya naman pasimple ko siyang sinulyapan at nakitang sobrang lawak ng ngiti. His eyes and the way he smlies never fail to make my heart melt. His smile is like a rainbow after a rain, or a lit street lamp in a dark alley. It's truly enticing. "I should've brought something..." dinig kong bulong niya habang naglalakad kami papasok ng bahay. Nilingon ko naman siya at nakitang mukhang namo-mroblema siya dahil wala siyang kadala-dala. Kahit noon ay pinoproblema niya 'yan. Talagang naturuan siya ng magandang ugali. Naalala ko tuloy ang pagdala niya sa bahay ng pagkain noong unang punta niya. At no'ng dumating naman si Daddy ay nadala siya ng wine. Hindi ko naman maiwasan ang bahagyang mapatawa. "Huwag mo nang alalahanin 'yan," sabi ko naman sa kanya. "It's my first time going inside of your Auntie and Uncle's house. Nakakahiya," sabi niya. "Ayos lang naman sa kanila ang inihatid mo ako rito," pampalubag loob ko sa kanya. "Halika na sa loob." I opened the house's main door and entered inside. I was able to hear Tito and Tita's faint laugh from the dinning room. Sa tingin ko'y nagsimula na silang kumain. Nilingon ko naman si Riley at sinenyasan siyang sumunod lamang sa akin bago ako nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kusina. Nang makarating naman kami roon ay hindi ako nagkamaling nagsisimula na silang kumain ng tanghalian ngunit sa tingin ko'y kakasimula lamang nila dahil wala pang gaanong bawas ang kanilang pagkain. "Tito... Tita..." maingat kong pagtawag sa kanilang dalawa. Agad naman silang napalingon sa aming gawi. Tumagos lamang ang tingin nila sa akin at ibinuhos ang buong atensyon sa lalaking kasama ko. "Oh! Riley Palermo!" tuwang-tuwang sabi ni Tito Larry at napatayo pa sa kanyang kinauupuan upang batiin si Riley. "Magandang tanghali po," magalang na pagbati ni Riley. Pati si Tita Edith ay tumayo na rin ngunit sa akin naman siya tumungo. "Hindi mo sinabing dadating pala kayo ngayong tanghalian," sabi niya sa akin. "Mabuti na lang at marami akong niluto, kundi ay nakakahiya naman sa boss mo." "Biglaan lang din kasi, Tita, at nagpumilit din siyang pupunta rito..." dahilan ko naman. Tumango naman siya. "Ako na ang maghahanda ng plato niyo at iba pang kubyertos. Maupo na kayong dalawa roon. Asikasuhin mo ang bisita mo." Hindi nagpapigil si Tita Edith at agad nang kumilos upang gawin ang kanyang napagpasyahang gawin. "Halika na kayong dalawa at maupo na kayo rito sa hapag!" Maligalig na pag-aya ni Tito Larry. Nilingon ko naman si Riley na mukhang natutuwa sa pagtanggap sa kanya ng aking Tito at Tita. His eyes, then, darted at me when he felt me staring at him. He beamed even more as he looked at me. Bahagya ko naman iniwas ang aking tingin sa kanya. "Upo na tayo," pag-aya ko sa kanya at naglakad na ako patungo sa lamesa upang makaupo. Sumunod naman sa akin agad si Riley ngunit kita ko ang kanyang pag-aalangan sa pag-upo sa aking tabi. Pakiramdam ko'y nahihiya pa rin siya dahil wala siyang dalang regalo. Si Tita Edith naman ay inilapag na ang plato at kubyerto sa aming harapan ni Riley. "Thank you po, Tita," malambing kong pasasalamat. "Thank you po," magalang na sabi ni Riley. Nginitian naman siya ni Tita bago ito bumalik sa kanyang upuan sa aking harapan. "Uh... Pasesnya na po kung wala po akong dala na kahit ano," paghingi ng paumanhin ni Riley. Baritonong tumawa naman si naman si Tito Larry . "Ano ka ba! Ayos lang 'yon." Umiling naman si Riley dahil para sa kanya'y hindi ayos iyon. "Sa susunod po na pagbisita ko ay magdadala ako." "Kahit araw-araw ka pang bumisita na walang dala ay ayos lang, hijo. Huwag ka nang mag-abala pa," sabi naman ni Tito Larry. Ngumiti naman si Riley kay Tito Larry kahit na alam kong sa loob niya'y mag-aabala pa rin siya sa susunod na pagpunta niya rito sa amin. Pinauna ko nang kumuha ng kanin si Riley ngunit nagulat ako nang inuna niya pang lagyan ng kanin ang aking pinggan. "Okay na ba 'to?" pabulong niyang tanong sa akin matapos ang pangatlong sandok ng kanin. "Ayos na 'yan," sabi ko nalang kahit gusto ko pa ng isang sandok ang aking kanin, ngunit nahihiya ako. Mamaya nalang siguro kapag naubos na ang kanin na sinandok niya para sa'kin. Pagkatapos akong asikasuhin ay nagsandok din siya ng para sa kanya. Nagmadali naman na akong maglagay ng ulam sa aking pinggan dahil baka pati 'yon ay akuin niyanh gawin mula sa akin. "Bakit nga pala dito niyo naisipang kumain ng tanghalian?" biglang tanong ni Tita Edith nang magsimula na kaming kumain. "Dito ko na po talaga binalak kumain ngayong araw..." sabi ko. "Pasensya na po kung pumunta ako rito at nakikain na walang pahintulot," pagsingit ni Riley. "May kailangan din po kaming puntahan ni Nathen pagkatapos kumain." "Ayos lang naman iyon, Riley. Walang kaso sa amin. Nagtaka lamang ako," nakangiting sabi ni Tita. "Kung aalis kayo ay saan kayo pupunta?" kuryosong tanong naman ni Tito Larry. "Sa Santa Teresita po," sagot ni Riley. Napalingon naman ako sa kanya. Medyo malayo-layo rin pala ang pupuntahan namin. Iyon ang pinakahuling bayan dito sa amin bago ang kasunod na lungsod. Kung wala siguro ganoong traffic dahil sa mga bumabiyaheng track at jeep ay makakarating kami roon ng halos isang oras. Kapag medyo traffic naman ay aabutin kami ng dalawang oras. "Aba'y halos makakarating na pala kayo sa Santa Fe. Galing kami roon kahapon ng asawa ko," sabi ni Tito. "Magtatagal ba kayo roon? Baka gabihin kayo." "Hindi naman po kami gagabihin doon," tiniyak ni Riley kay Tito. "May dadaanan lang po kami at uuwi na rin pagkatapos." Tumango-tango naman si Tito at muling ngumiti kay Riley bago nagpatuloy sa pagkain. "Paano pala ang trabaho mo, Nat?" tanong naman sa akin ni Tita Edith kaya naman nalipat sa kanya ang aking atensyon. "Hindi ba't may pasok ka pa hanggang alas-nuebe?" "She'll report for work throughout the rest of the day to me." Si Riley na ang sumagot sa katanungan ni Tita Edith sa akin. Tita Edith just nodded her head. Mukhang naliwanagan na siya na trabaho pa rin ang gagawin ko kasama si Riley. "Uhmm... Sir Torrano, If I'm not mistaken, I've learned that your business is being a fish dealer?" Riley's voice suddenly shifted to his business tone as he talked to my uncle. Kita ko namang mukhang natigilan si Tita Larry. Sinulyapan niya muna ako ng tingin bago ibinalik kay Riley ang atensyon. Siguro'y iniisip niyang ako ang nagsabi kay Riley patungkol sa maliit na business nila ni Tita, ngunit hindi naman ako. Kung paano nalaman ni Riley ay ayoko nang problemahin pa. "Ah, oo..." nag-aalangang sagot ni Tito. "Huwag mo ba akong tawagin ng formal. Tito Larry nalang." "Well, Tito Larry..." Mukhang nag-iingat pa si Riley sa pagsabi ng 'Tito Larry'. "Do you deliver a variety of edible fishes or only one species?" "We deliver most of the edible fishes that can be found here in Cagayan Valley," Tito Larry also started to sound formal. "Sa katunayan nga ay kakaclose lang namin ng deal kahapon sa Santa Fe. Kami ang magsusupply ng mga isda sa dalawang pwesto sa palengke roon." "That's good po!" Nahimigan ko ang pagkatuwa ni Riley kaya naman nilingon ko siya na nakangiti habang diretso ang tingin kay Tito Larry. "I'm currently searching for a fish dealer closer to the resort. The delivery rates of fishes of our usual dealer suddenly rocketed. Galing pa po kasi iyon sa Santa Praxedes. So... I hope you can come to my office some other time, or I'll just go here again for us to talk about a business deal. Gusto ko po sanang kuhanin kayo bilang dealer ng isda para sa The Seacoast." Napaawang naman ang bibig ni Tito Larry na mukhang hindi inaasahan ang sinabi ni Riley. Maging si Tita ay nabigla. Kahit ako rin naman. "Ah..." Tito Larry looked like he's lost for words. "Aba'y syempre ayos iyon! Kahit bukas na bukas ay tutungo agad ako sa opisina mo." I bit my lower lip seeing my uncle this happy. Hindi ko na matandaan kung kailan ko siya nakitang ganito kasaya. Parang sumikip ang dibdib ko habang pinapanood si Tito Larry na tuwang-tuwa. The imaged of my father suddenly flashed inside my mind. Magkahawig na magkahawig sila ni Tito Larry. Kung nandito pa kaya silang mga magulang ko, magiging parang ganito pa rin ba ang pagtakbo ng buhay ko? I sighed in grief... I missed them so much. "Dalhin niyo na lang po ang kumpletong listahan ng mga isdang dinideliver niyo. I'll also ask my secretary to prepare a business proposal contract with you," sabi ni Riley. Tuwang-tuwa namang sumang-ayon si Tito Larry. Kitang-kita ko rin ang pagkatuwa ni Tita Edith. I'm happy for them as my second parents. Sana ay magtuloy-tuloy na ang mga biyayang natatanggap nila. Matapos kumain ay mabilis akong nagpalit ng mas presentableng damit bago bumaba. Naabutan kong nag-uusap pa rin si Tito Larry at Riley sa may sala noong bumaba ako. Paniguradong tungkol pa rin 'yon sa business deal na pagkakasunduan nila. Nang makita ako ni Riley ay mas lalo siyang napangiti saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan. I suddenly felt like we're back in our high school days where he also used to wait for me in our living room, while talking to my Mom and Dad. If only things didn't become so complicated... "Oh, ayan na pala si Nathen! Mag-iingat kayong dalawa," sabi ni Tito Larry nang mapalingon din sa akin. Tumango naman si Riley kay Tito Larry bago muling lumingo sa akin. "Are you ready?" pag-aya niya sa akin. Nakangiting tumango naman ako sa kanya. "I'll just maneuver the car. Wait..." Nagmamadali siyang lumabas upang gawin ang kanyang sinabi. Susunod na sana ako nang biglang may pumigil sa akin. Nilingon ko naman si Tita Edith na siyang pumigil sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Ayokong pawiin ang mga ngiti mo sa labi, Nathen, pero mas ayaw kong masaktan ka bandang huli..." panimula ni Tita. "Nakikita kong masaya ka kasama siya. I've never seen you smile like how you smile at him ever since you started living with us. Pero, Nathen, may iba siyang kasintahan... Gusto ko lang ipaalala sa'yo dahil mukhang iyo'y nakakalimutan." My lips parted because of my sudden realization. Tama si Tita Edith. Unti-unti nang nabubura sa aking isipan na mayroon na nga palang ibang babae sa buhay niya. Hindi ko na masyado iyong naiisip dahil sa mas iniintindi ko kasiyahan na nararamdaman ko kapag kasama ko siya. Why did I let that kind of important fact slip away from my thoughts, when it should just stay there and be a constant reminder that he's no longer mine and will never be mine?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD