LEAH'S POV. Halos mabaliw ako ng ibalita sa akin ng isang nurse ang nangyari kay Yaya Rina. Lahat na lang ay kinukuha sa akin.. Wala na silang tinira! ~ Naisipan kong puntahan si Ms.Vivian dahil baka makatulong ito sa pagtuklas namin sa mga nangyayari. Agad akong lumabas ng bahay. Sumakay ako ng kotse. Agad akong nag drive upang puntahan si Ms.Vivian sa kanyang bahay. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating narin ako. "Tao po?"-Sigaw ko sa harapan ng gate ni Ms.Vivian. Agad ko naman nakita si Ms.Vivian. Ngumiti ito ng makita ako. "Halika, kanina pa kita hinihintay"-Misteryosong sabi ni Ms.Vivian. Kinilabutan naman ako sa aking narinig. Pumasok na kami sa loob ng bahay, Nagkamustahan muna kami at agad na akong nagtanong sa kanya. "Kilala niyo po ba si Katrina Vasquez?"-Tan

