Leah Pelaez‘s POV
Kinabukasan maaga akong gumising para makapag ready sa fashion show. Nasa sala ako ngayon kasama sina Sean, Derrick at Aleiza. Sasamahan daw nila ako.
Nakwento pala ni Sean ang nangyari kay Ayiro. Kaya ayon sabi nila na sasama daw sila para ma-protektahan ako. Ang sweet talaga nila.
“Sino kaya yung killer?” tanong ni Aleiza. Nakaupo siya sa couch. Malapit kay Derrick.
“Basta ako isa lang ang suspect ko.” napatingin ako ng seryoso kay Sean. Alam ko kung sinong suspect niya.
“Hmm. Wala akong alam diyan.” inosenteng sambit ni Derrick.
“Tama na nga ‘yang topic na ‘yan. Mabuti pa at hintayin niyo na lang ako. Maliligo at magbibihis lang ako. Then aalis na tayo.” sambit ko. Iniiwas ko yung topic tungkol sa killer. Baka kasi marinig ni Mom and Dad. Baka mag-alala nanaman sila. Tsaka ayokong madamay pa sila.
“Okay.” tipid na sambit ni Aleiza. Psh.
Naglakad na ako papanhik ng bahay. Sa CR kasi sa second floor ako naliligo dahil sa second floor ang kwarto ko.
Napatingin ako sa kwarto ni Ate Vanessa habang naglalakad ako papunta sa CR. Kamusta na kaya siya? Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating na ako ng CR. Pagdating ko sa loob ay kinilabutan ako dahil naalala ko ‘yung nangyari kay Yaya Hilda. Namiss ko tuloy sila.
Nagmadali na lang akong maligo dahil sa takot. Nang matapos na akong naligo ay pumunta na ako sa aking kwarto para magbihis. Nang matapos na ang lahat ng kailangan kong gawin ay muli na akong bumaba ng bahay para puntahan sina Aleiza sa sala.
“Hm. Ganda ah.” tinaasan ako ng kilay ni Aleiza. Ganyan talaga siya. Pero hindi naman siya galit, kahit nakataas ang kilay. May sayad lang talaga ang babaeng ‘yan.
“I know right.” natawa kami.
“Let‘s go?” sambit Sean.
Naglakad na kami palabas ng bahay. Hindi ko pa rin maiwasan mag-isip. Paano kung isa sa kanila ang Killer? Sabi kasi nung tumawag sa akin. Isa siya sa mga kaibigan ko. Tsk.
Napabuntong hininga ako bago pumasok ng sasakyan. Magkatabi kami ni Aleiza sa likod at sa harapan naman si Sean at Derrick.
“Friend may sasabihin pala ako sa‘yo.” mahinang sambit ni Aleiza. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. “Kami na ni Derrick.”
Napabuntong hininga lang ako at napataas ng kilay. Ano pa bang bago? Sinandal ko yung ulo ko sa bintana ng sasakyan. Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Pinalupot niya yung kamay niya sa braso ko at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
“Aleiza pwede ba.” nakataas pa rin ang kilay ko. Ang korni niya kasi.
“Ihhh iba naman na si Derrick. Seryoso na ako sa kanya.” inikot ko ang mata ko bago ko siya hinarap.
“Okay.” ‘yan na lang ang sinabi ko para manahimik na siya. Lagi ko kasi siya pinagbabawalan mag boyfriend kasi hindi naman siya nagse-seryoso. Dati kasi nagkaboyfriend siya pero niloko lang niya ayon nag commit ng suicide.
“Yieeeh! I love you friend.” korni. Nag cross arms lang ako at kinuha ko ang earphones ko para makapag pa sounds.
Ang earphones ang tagapaglitas kapag ayaw mo ang kausap mo.
Huminto ang sasakyan ko sa gasoline station. Nakasandal pa rin ang ulo ko sa bintana.
Biglang lumapit yung gasoline boy sa tabi ng bintana. Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakatalikod ito.
Nang humarap ito ay nagsisigaw ako. s**t! Yung babaeng nakaputi. Nanginig ako sa takot at biglang bumilis ang kabog ng dib-dib ko. Kahit wala siyang mata ay kitang-kita ko na nakatingin siya ng masama sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagsigaw. Napatakip ako ng mukha ko dahil sa takot.
“Hoy friend!” sigaw ni Aleiza. “Hey?!”
Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ko sa mukha ko. Napansin ko ‘yung gasoline boy na maayos na ang itsura niya.
“M-May babae!” sigaw ko.
“Walang babae, lalaki ang kaharap mo.” sambit ni Sean. Kasalukuyan niyang binabayaran yung gasoline boy.
Huminga ako ng malalim. Siguro guni-guni ko lang ‘yon dahil sa mga nangyayari sa akin. Pero guni-guni nga ba?
“Ano ba‘ng nangyayari sa‘yo friend?” naguguluhan na sambit ni Aleiza. Halatang kinakabahan din siya.
“W-Wala.” nanahimik na lang ako. Kita ko pa rin na nag-aalala silang lahat.
Nagpatuloy na aming biyahe. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Diamond studio. Agad kaming lumabas ng sasakyan. Dahil late na ako.
Naglakad na kami papasok ng studio. Hindi ko napansin yung matandang babae na gusto kong kausapin. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Wala naman gaanong tao ngayon dito sa labas ng studio kaya malaya akong nakapasok sa loob.
Nang makarating kami sa stage ay nakita namin sina Eric, Ms. Vivian at Franz.
Nang mapatingin si Franz kay Sean ay sinamaan siya ng tiningin. Hays.
Naglakad na ako papuntang stage para maumpisahan na namin ang practice. Sina Aleiza, Derrick at Sean ay umupo sa tabi harapan ng stage, habang pinapanuod ako.
Si Eric hindi pa rin ako kinakausap. Nagtatampo pa yata dahil sa nasabi ko kahapon. Hays.
“Nabalitaan niyo na ba? Patay na daw si Ayiro.” napatingin ako kay Kaverine na nakikipagkwentuhan sa mga co-models namin.
Hindi ko na lang sila pinansn. Naaalala ko nanaman kasi yung bangkay ni Ayiro. Sino kaya ang pumatay sa kanya?
Hindi ko pa rin makalimutan yung tumawag sa akin kagabi. Sino ‘yon? Nakakatakot. Totoo kaya yung sinabi niya na isa siya sa mga kaibigan ko? Pero kung isa nga siya sa mga kaibigan ko sino siya?
Ano‘ng motibo niya? Bakit niya ginagawa ‘to?
Sino ‘yung babaeng nakaputi at yung batang babae? Ang daming tanong sa isipan ko. Kailangan ko na ng kasagutan!
Kailangan ko na talaga makausap yung matandang babae. Feeling ko talaga may alam yung matandang babae na ‘yon. Alam kong makakatulong siya sa akin.
Nagpatuloy lang kami sa pagrampa. Ilang oras din kaming nagpa-practice. Mamayang 7:00 PM kasi fashion show na.
Nang matapos na kaming mag practice ay pinuntahan ko sina Aleiza.
“Ang galing mo talaga friend.” sambit ni Aleiza habang nakayaka akbay kay Derrick.
“Oo nga Leah. Ang galing mo talaga.” dagdag pa ni Derrick. Bolero.
“Thank you.” I smiled.
“Leah.” sambit ni Sean habang inaabot ang isang panyo. Kinuha ko naman at pinunasan ko ang pawis ko. Biglang pumasok sa isipan ko si Franz. Dati kasi siya ang nagbibigay ng panyo sa akin. Nasa‘n kaya siya?
Napatingin ako kay Franz. Nakatingin pala siya sa amin ni Sean. Walang emosyon ang mukha niya. Pero nagulat ako kung sino ang kasama niya.
Si Kaverine. Tuwang-tuwa si Kaverine habang pinupunasan ang pawis niya gamit ang panyo ni Franz. Psh.
“Ms. Karate? Okay ka lang.” tinignan ko si Sean. Nakatingin pala siya sa akin. Nakatulala kasi ako kanila Franz at Kaverine.
Ewan ko ba pero parang nagseselos ako. Dati kasi ako yung inaabutan niya ng panyo, pero ngayon hindi na Psh.
“O-Oo okay lang.” sambit ko at nginitian ko siya. Muli kong tinignan si Franz at Kaverine nakahawak si Kaverine sa braso ni Franz. Pero si Franz nakatingin sa amin.
“Tara.” samabit ko kay Sean at hinawakan ko siya sa braso at niyakap. Nagulat si Aleiza sa ginawa ko. Pati si Derrick ay nagulat.
Syempre mas nagulat si Sean. Napatingin ako kay Franz. Masama ang tingin niya sa amin. Well.
Ilang oras din kaming nagpahinga. Tapos kumain na rin kami. Hindi par rin kami nag-uusap ni Eric. Si Ms. Vivian lang ang kumakausap sa akin. Si Franz naman ‘di pa rin ako kinakausap.
Hindi ko rin siya pinapansin. Si Kaverine naman ayon tuwang-tuwa psh.
Ilang oras na lang ay mag-istart na ang fashion show. Bago kami ayusan ay kinuha ko yung kamera ko sa bag ko. Inabot ko kay Aleiza.
“Friend mamaya, ito na lang ang gamitin mo. Pag pi-picturan mo kami.” sabi ko sa kanya. Kinuha naman niya yung kamera ko at tinignan niya.
“Sure friend.” nakangiting sambit niya.
“Thanks friend.”
Naglakad na ako papunta sa backstage. Yung mga staff naman ay inaayos na ang stage para sa fashion show mamaya.
-
Someone‘s POV
I‘m ready to kill them all HAHAHAHAHA!