"Leah's Pov" Nagsimula ng mag kwento si Lola. "Bata pa lang si Trina" Agad akong kinalibutan ng sinabi ni Lola na Trina ibig sabihin tama ako na si Trina at Katrina ay iisa, nagpatuloy si Lola. "Pangarap na talaga niyang maging isang sikat na modelo, hanggang mag dalaga siya ay natupad ang kanyang pangarap naging modelo siya at doon niya nakilala ang ka isa isang lalaking minahal niya ng lubos, ito ay si Saijan ang lalaking malapit na niyang pakasalan, hindi ko tunay na apo si Katrina kinupkop ko lamang siya nung bata pa siya dahil pagala gala lamang siya sa kalye, Nabanggit din niyang meron siyang kapatid na lalaki, nangako daw itong kapatid niya na babalikan niya si Katrina. Masayang masaya noon si Trina dahil ikakasal na siya, ngunit tatlong araw bago sumapit ang kanilang kasal, may i

