TRENT
Three weeks...
Tatlong linggo na mula nang huli kaming mag-usap ni Alisson. Siguro ay naisip na n'ya na hindi n'ya kaya.
Well, wala na akong pakielam sa kanya. At least napamukha ko na sa kanya ang pinakawalan n'ya. Naisampal ko na sa kanya kung gaano kalaki ang nawala sa kanya.
"Sir, you have an important meeting with Mr. Fabregas of FGC," my secretary informed me.
I picked up my coat and snatched my bag. "Thank you. I'll be gone the whole day. Itawag mo na lang sa akin kapag importante."
I went on the venue for the meeting. I was fifteen minutes early as usual. I take it as a hobby to always be at least fifteen minutes early in every meeting. Time is something money can’t buy. So I made it a point to respect time of everyone. Inis na inis ako ako sa mga late lalo na kung wala o mababa naman ang dahilan.
The meeting went well. I checked my watch and it's just three in the afternoon, masyado pang maaga para mag-bar. I picked up my phone to call Neil.
"Bro, what's our itinerary for tonight?" I asked immediately.
(Nothing in particular, Trent. You decide?) He seems busy with something.
"Yacht?" I asked back. Nakakasawa rin kasi na palagi na lang sa bar umiinom.
(Ohhh,) he sounded like moaning (Ahhh...) well, he's really moaning. (Oh... Oh-kay,) then I heard a girl moaned 'that's it baby, harder' in the background. (Call you later, bro,) then he ended the call.
I smirked. Mukhang nakaistorbo ako. Malay ko ba naman na magmimilagro s'ya ng ganitong oras.
Matagal-tagal na rin akong hindi nadidiligan. Masyado kasi akong naging busy sa trabaho at oo... sa kakaisip ng gagawin ko kay Alisson. Kaso ay mukhang hindi naman na s'ya magpapakita sa akin. Naisip siguro na walang-wala na talaga s'yang mapapala sa akin kundi s*x.
Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa at pumasok na sa sasakyan ko. I'll drive my way to my house first before going to the dock. It's Friday today so I assumed that we'll be back on Sunday afternoon. I need to pack my things.
I'm nearing an intersection when my phone suddenly rang. Wala naman ako masyadong kasabay sa kalsada kaya nag-menor muna ako saka dinukot ang phone ko sa bulsa. Nalaglag ang telepono ko kaya sumulyap muna ako sa harap at nakita ko na wala naman akong kasalubong kaya saglit na tinignan ko muna ang sahig para pulutin ang telepono ko. Huli na nang mag-angat ako ng tingin at makita ko na nasa gitna na pala ako ng intersection at may mabilis na truck nababangga sa akin mula sa kanan!
ALISSON
Napapakagat ako ng labi habang hinihintay ang turn ko. Nakapila ako ngayon sa cashier para bayaran ang bills namin dito sa hospital. Isang linggong na-confine si Sarah dahil sa dengue. Bago 'yon ay tatlong araw akong nanatili sa bahay para bantayan s'ya.
Hindi ako makaalis para puntahan si Trent dahil natali ako sa anak ko at sa kompanya. Isang linggo matapos ko siyang makausap ay babalikan ko na sana s'ya para sabihin na pumapayag na ako sa gusto n'ya. Payag na ako dahil may nakapa akong pag-asa na kapag naibigay ko na sa kanya ang sarili ko at may mapatunayan sa kanya ay tanggapin n'ya akong muli. Sa ngayon ay makukuntento na ako sa pagtanggap n'yang muli sa akin. Kapag nakapasok na ako sa buhay n'ya ay alam ko na mamahalin n'ya akong muli. Panghahawakan ko ang kaalaman na minsan na n'ya akong minahal. I'll hold on to the fact that, once upon a time, there's me and Trent, and once upon a time, I became Mrs. Trent Villasis... almost.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Kanina ko pa nakakagat ang ibabang labi ko at ang hinlalaki ko kung minsan. Ganito ako kapag kinakabahan. Kinakabahan ako ngunit hindi ko alam kung bakit o para saan. Ligtas naman na ang anak ko.
"Next!"
Napatuwid ako ng tayo dahil sa tawag ng cashier.
Habang hinihintay ang sukli ko ay nahagip ng peripheral vision ko ang pagpasok ng isang stretcher sa emergency room. Parang may kung anong humihila sa akin para lumapit doon. Akmang hahakbang na ako nang may tumawag sa akin.
"Ma'am, your change po," magalang na sabi ng cashier.
Bahagyang nakaawang pa ang bibig ko nang bumaling ako sa kanya. Para akong wala sa sarili. May kung ano sa sistema ko ang nababagabag.
"Thank you," I timidly smiled.
Isang sulyap pa ang ibinigay ko sa emergency room bago ako naglakad pabalik sa kwarto ni Sarah.
"Mommy, Ninang told me that we're going to Disney land next week," Sarah enthusiastically smiled as she saw me entering the room. She's sitting at the edge of the bed and swinging her feet.
I sat beside her and hug her. "Yep."
"Yehey!" she cheerfully rejoiced.
"If..." I put my index finger on her nose "...and only if, you behave and comply with your doctor's orders."
"Yes, mommy!" then she hugged me tight.
I really adore this girl. I love her so much.
"Ali, tara na, nagugutom na ako," reklamo ni Misha.
Tumayo na ako at binuhat na si Sarah. Nauna nang lumabas si Misha kaya sinundan ko na lang s'ya. Sa front seat s'ya umupo at naibaba ko na si Sarah sa backseat. Umikot na ako at pumasok sa sasakyan.
"Mom, I forgot Mr. Blanky at my room," Sarah pouted.
"I'll get it," I smiled at her.
"Bilisan mo, gutom na ako!" paalala ni Misha.
Hindi ko na s'ya sinagot at bumalik na sa loob ng hospital. Nakita ko naman ang kumot ni Sarah sa kwarto na mabuti na lang ay hindi pa nalilinis.
Pabalik na ako ng sasakyan nang makita ko si Neil na humahangos papasok sa ER.
Bumilis ang pintig ng puso ko at kinakabahang humakbang papalapit sa ER.
Naabutan ko si Neil doon na mukhang balisa.
"Where's he?" natatarantang tanong n'ya sa nurse. "Where's my friend?!" ginagap n'ya pa ang magkabilang balikat ng babae.
"S-Sino po, sir?" tanong ng nurse na nakatitig sa mukha ni Neil. Halatang apektado siya sa lapit ng mukha ni Neil sa kanya.
"The one involved in the car accident!" Neil shouted right in front of the face of the poor nurse.
Nanginginig ang kamay na itinuro nito ang isa sa mga saradong kurtina doon.
Tinakbo naman agad iyon ni Neil. Mabagal ang mga hakbang na sumunod na lang ako papunta sa kurtina. May kakaibang kaba akong naramdaman.
Pero huwag naman sana...
"f**k!" malutong na mura ni Neil at tumalikod ng nakahawak sa bibig. Naluluha na rin ang mga mata n'ya.
He harshly raked his fingers through his hair and pulled it a little. Malapit na ako sa kanya nang bumaling siya pabalik sa kurtina. "f**k it Trent, wake up!" he hysterically shouted.
Trent...
Trent...
Trent...
I felt my heart ached.
Nabitawan ko ang kumot na hawak ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay pasikip nang pasikip ang paligid ko. Pakiramdam ko ay iniipit ako.
Ang palakad-lakad na si Neil ay napatingin sa akin at nanlaki ang mga mata.
"A-Alisson?" nagugulantang na sabi n'ya.
Nanginginig na humakbang ako palapit sa kurtina at sa nanginginig na mga kamay ay hinawi ko iyon.
Tumambad sa akin si Trent.
Duguan at walang malay... tila walang buhay...
Nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha ko. Namanhid ang buong katawan ko.
Hinawakan ako ni Neil sa balikat at hinarap sa kanya. "A-Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong n'ya. Halata sa mukha ang gulat sa presensya ko.
Nilingon ko si Trent at hindi s'ya sinagot.
Hindi! Hindi pwede, Trent! Magpapaliwanag pa ako sa'yo! Huwag mo akong iwan dahil ikamamatay ko! Mahal na mahal kita. 'Hwag mo akong iiwan!