NAKATITIG si hailey sa labas ng kotse, ito na siya, lalabas na siya at maglalakad na sa loob ng simbahan. inalalayan siya ng mga babae na makalabas at hinawakan pa nito ang dulo ng dress niya. "anak, masaya ako para sayo" hawak hawak niya ang kamay ng mama niya. "salamat mama, sa lahat" pinisil naman ng mama niya ang kamay niya. halo halo ang pakiramdam niya, kinakabahan, masaya, excited at naiiyak. ang mama niya ang mag hahatid sa kaniya papuntang altar kung saan nag hihintay ang mapapangasawa niya. hindi niya binitawan ang mama niya at ang isang kamay naman niya ay hawak ang boquet ng peach roses. unti unting bumukas ang malaking pinto ng simbahan at unti unti niyang nasilayan ang ayos sa loob, parang may bumara sa lalamunan niya ng maaninag si jace na naka suit. hindi niya pa makita

