DALAWANG TAON na ang lumipas at bawat galit ng boss niya ay pinapasok nalang niya sa tenga niya at nilalabas din agad. well hindi naman sakaniya galit ito lagi, madalas lang hehee.
nag timpla siya ng kape para sa boss niyang nagiging dragon nanaman at bumubuga ng apoy doon sa loob ng opisina niya. may nagkamali kasing employee at nagalit nanaman siya.
"boss kalma! ang puso baka mapunta saakin... charot! " bawi niya agad, mabilis siyang naglakad pero isa nga siyang malaking tanga at lampa! ayan nadulas siya at naitapon niya ang kape sa damit ng boss niya. napapikit nalang siya ng maramdaman ang mainit nitong titig sakaniya.
"DAMN! What the fvck-" hindi niya pinakinggang ang sunod sunod na mura nito at kumuha nalang ng tissue para punasan ang damit nito, mabilis din niyang tinanggal ang necktie nito dahil basang basa na. Nataranta siya lalo dahil ramdam niya ang masamang tingin nito sa kaniya. Mabilis ang kilos niya dahil sa sobrang kaba.
kumuha pa siya ng maraming tissue at dinampi sa tiyan nito pababa sa--
"oh fvck..." biglang hinawakan ni jace ang wrist niya kaya napatigil siya sa pagpupunas.
"anong ginagawa mo?" seryosong sambit nito, nakunot naman ang noo niya ng parang biglang bumigat ang paghinga nito.
"pinupunasan ka? teka hindi ba obvious na pagpupunas ang ginagawa ko ngayon--"
"get out!" mabilis siyang umiling, ang katangahan niya at kalampahan ang dahilan kaya kailangan siya din ang maglinis nito.
"no! pupunasan kita sir, wag ka mag alala hindi kita mamanyakin" kumindat pa siya, dahan dahan ang pagpunas niya pababa ng tiyan pero nagulat nalang siya ng bigla itong tumayo kaya nawalan siya ng balanse, babagsak na sana siya ng may mahawakan siyang matigas na bagay kaya doon siya kumapit.
"sh*t" unti unting nanlaki ang mata nya ng mapagtanto kung saan siya nakahawak. mabilis na tinanggal niya ang kamay niya doon kaya tuluyan siyang bumagsak. napahawak siya sa kaniyang balakang.
"awww" umawang ang labi niya at napapikit pa siya dahil sa sakit na gumuhit sa balakang niya.
" i said get out! pero hindi mo sinunod.. damn"
"tulungan mo kaya ako dito sir! ikaw ang may kasalanan kung sana hindi ka tumayo bigla hindi ko nahawakan yang ano mo! tsaka... bakit ang tigas ha?!" nailagay niya ang kamay sabibig . wala talagang preno ang bibig niya! mabilis siyang tumayo kahit masakit ang balakang niya at walang lingon lingon na lumabas ng opisina.
napasabunot nalang siya sa buhok niya pagkaupo na pagkaupo niya doon sa pwesto niya. my gad hailey! buti nalang hindi niya nasabi ang malaki at mahaba... ang manyak ko na!
kasi naman! bakit sa lahat ng pwedeng hawakan ang p*********i pa nito ang nahawakan niya! hindi lang iyon napisil niya pa. inuntog niya ang ulo sa lamesa niya para magising gising naman siya.
"arghh!!!! hailey!!" singhal niya sa sarili niya. sa dalawang taon niyang pag ta trabaho dito, ngayon lang siya nakaramdam ng hiya at gustong gusto na niya maglaho na parang bula.
ito ba ang karma niya? mahilig kasi siya mag biro nang kung ano ano e.
tinignan niya ang orasan limang minuto nalang bago siya mag out. nag ayos na siya ng gamit niya ng biglang namatay ang ilaw. dahil isa siyang malaking duwag pag madilim, nag sisigaw siya ng malakas.
"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!! SIR SIR SIR!! ASAN KA ?" biglang kumidlat kaya kita niya sa malaking glass window ang ilaw ng kidlat. bigla naman siyang napatingin ng may maaninag siyang anino. mas lalo tuloy siyang kinabahan.
"Stop shouting, hailey."
"s-sir?" pilit niyang inaaninag ito pero hindi niya makita, kinapa kapa niya ang paligid hanggang sa maramdaman niya ang damit nito. wala sa sariling dumikit siya dito dahil sa takot.
"sir, paano ako uuwi? anong oras magkakaroon ng kuryente? diba may backup naman tayong energy?"
" sa building natin ang problema, wait for 1 hour. oh kung gusto mo maghagdan ka mag isa" umiling naman siya agad.
"sir asaan ang cellphone mo?"
"why?"
"Gamitin mo ang flashlight" utos niya dito.
"inuutusan mo ba ako?"
"eh sir naman! lowbatt na ako, sige nanaman. takot ako pag madilim e" pagmamakaawa niya dito. nagulat siya ng bigla itong gumalaw at akmang aalis kaya napahawak siya sa kamay nito.
"saan ka pupunta?"
"sa loob ng office ko, andun ang phone ko" dumikit siya lalo dito.
"sama ako! wag mo akong iiwan" iyak niya dito, natatakot talaga siya pag madilim. okay lang sana kung matutulog na siya at nasa bahay siya hindi siya matatakot pero pag ganito, ang lakilaki ng lugar na ito natatakot talag siya. isa pa nasa 12th floor sila.
hindi na ito nagsalita at hinawakan siya ng mahigpit sa kamay at dumeretso sila papasok ng office nito. sobrang bilis ng t***k ng puso niya bigla, siguro dahil sa takot. ramdam niya ang mainit na kamay ni jace at may kalakihan pa. marahan na pinisil niya iyon, malambot para sa isang kamay ng lalaki. pero ang manly parin ng kamay nito.
"sit here" kinapa niya ang sofa at umupo siya. mayamaya may ilaw siyang naaninag, ang phone ng boss niya. binuksan nito ang flashlight at tinaob ang cellphone sa lamesa. nakahinga siya ng maluwag ng kahit papaano may ilaw na.
"Thank you sir! alam kong mabait ka talaga" sambit niya ng lumapit ito papunta sakaniya.
" im not kind "
" you are kind boss! kaya gustong gusto kita kahit masungit ka"
"you like me?" tumango siya, namumula na ata ang pisngi niya. ano ba ito! ganito ba siya aamin na may crush siya sa boss niya?
"oo naman! pero crush lang iyon boss ha! baka mailang ka HAHAHAHHA" pagbibiro niya pero sa totoo lang mababaliw na siya sa kaba. natahimik ito kaya hindi na din siya nag salita.
" boss wala ka bang girlfriend talaga? 27 years old ka na ha, ayaw mo ba mag asawa?" tanong niya dito, sobrang tahimik kasi at nababagot siya.
" you said you have a crush on me, but you want me to settle down?" seryosong sambit nito hindi niya makita ang reaksyon nito dahil madilim, hindi sapat ang ilaw galing sa cellphone.
"duh crush lang iyon no! tsaka ang tanda mo na at wala ka parin nagiging girlfriend? grabe bakla ka ba-- JOKE ULIT HEHEHE, ano ba yan kahit di ko makita mukha mo ngayon boss ramdam ko ang mainit mong titig"
"you? you are already 26 years old, wala kading boyfriend... why? "
"ay nako! nagkaron na kaya ako ng boyfriend, pero naghiwalay din kami tsaka college pa ako nun, tapos 1 year lang kami. tsaka puppy love lang iyon" kwento niya pa dito.
"pero baka bukas papakasal na ako"
"what?!"
"joke lang! ito di ka talaga mabiro no?" naiiling na sambit niya. napatalong siya sa gulat ng namatay ang ilaw kasabay nun ang pagkidlat nanaman. kasi naman puro glass window dito kaya kita niya nanaman ang ilaw na nanggaling sa kidlat.
"nasasarapan ka ata sa pagyakap saakin?" wala sa sarling napalingon siya pero may kung anong bagay ang dumampi sa labi niya kasabay non ang pagbukas ng ilaw. unti unting nanlaki ang mata niya ng marealize kung anong bagay ang dumampi sa labi niya.
tutulakin na sana niya si jace ng kabigin nito ang batok niya at halikan na siya ng tuluyan.