Charlotte
Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyan naghahanap ako ng isusuot ko. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakahanap na ako kaya agad ako nagbihis. Magkikita kami ng mga kaibigan ko para mag-dinner at afterward baka pumunta sa isang bar. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng pumayag ako na bigyan ng chance si Nathaniel. Mula ng araw na iyon ay araw-araw ako nakatanggap ng mga bulaklak at regalo mula sa kanya. Araw-araw ay napapangiti ako kapag nakikita ko ang mga pinapadala niya para sa akin. Naging usap-usapan iyon sa buong office lalo ng mapansin iyon ni Audrey. Iniisip kasi ni Audrey na nagpapaligaw ako para lang makakuha ng client. Mas pinili ko na lang na huwag siya patulan dahil hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kanya. Ilang beses na rin kami kumakain sa labas ni Nathaniel o kaya naman sy nanonood ng movies at ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. Masaya ako kapag kasama ko siya at hindi niya pinaramdam sa akin ang agwat ng edad namin. Nag-uumpisa pa lang kami na kilalanin ang isa't isa at so far okay naman ang mga nakikita ko sa kanya. Bukod sa pagiging maalalahanin, masipag din siya sa trabaho niya at sa nakikita ko naman ay mabuti siyang tao.
"Hello Charlotte," bati niya sa akin pagsagot ko sa tawag.
"Hi," tugon ko naman.
"Nakaalis ka na?" tanong niya habag nag-apply ako ng lipstick.
"Paalis pa lang. Ikaw?" tanong ko.
Kagabi habang kumakain kami ay nabanggit niya sa akin na may pupuntahan siya na party ng isang ka-batchmate niya. Sinabi ko naman sa kanya na may lakad din ako kasama ang dalawang kaibigan ko. Gusto sana niya ako isama pero naisip ko na masyado pang maaga para roon at naiintindihan naman niya ako.
"Paalis pa lang din ako," tugon niya at napangiti ako.
Ngayon ko lang ulit naranasan na may tumatawag sa akin para tanungin kung kumain na ba ako. Kung ano ang ginagawa ko? Kung may pupuntahan ba ako? Kung nasaan ba ako? Naninibago ako dahil ilang taon din na walang tao na araw-araw tumatawag sa akin. Masaya sa pakiramdam dahil nararamdaman ko na mahalaga ako.
"May dala ka bang sasakyan?" tanong niya at nagtaka ako bakit niya iyon tinanong.
"Bakit mo naman na tanong?" nagtataka na tanong ko sa kanya.
"Wala lang na tanong ko lang. Kung sakali kasi na hindi ka magdadala ng sasakyan ay susundin kita para ako na ang maghatid sa iyo," paliwanag niya at napangiti ako.
"Tatawagan kita Nathan kung sakali na gusto ko magpa-sundo kasi baka may iba pa kaming puntahan after ng dinner. Mag-enjoy ka sa party na pupuntahan mo," nakangiti na tugon ko.
"Okay, just call me. Hope to see you later. Bye," paalam niya at pinatay ko na ang line.
Pagkatapos ko tingnan ang sarili sa salamin ay lumabas na ako ng kwarto ko. Hindi ko sinabi kay Nathaniel na hindi ako magdadala ng sasakyan dahil nagloloko iyon. Ayaw kong sirain ang lakad niya at gusto na mag-enjoy siya sa pupuntahan niya. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang pagtigil ng sasakyan sa labas kaya lumabas na ako. Pagkalipas ng halos isang oras ay nasa Restaurant na ako kung saan kami magkikita ng mga kaibigan ko. Pagkatapos ko magbayad ay pumasok na ako sa loob. Habang nasa biyahe ay tinawagan ako ni Monique at sinabi na nandoon na siya sa Restaurant.
"Hello," nakangiti na bati ko nang makita ko si Monique nakaupo.
Nilapitan ko siya at nakipag-beso muna ako sa kanya bago ko siya yinakap. Malaki ang pinagbago ni Monique mula sa pananamit niya hanggang sa kilos niya. In a good way naman ang pagbabago na iyon at masaya ako para sa kanya dahil nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya.
"Tumawag ba si Margo?" tanong ko kay Monique habang tumitingin ako sa menu.
"Pagkatapos natin mag-usap kanina siya naman ang tinawagan ko. Papunta na raw siya pero feeling ko nasa bahay or shop pa siya," sagot niya at natawa lang ako.
"Nagpalit ka ng makeup?" tanong ni Monique habang nakatingin sa akin at umiling ako.
"Para kasing ang blooming mo ngayon Lot. Kung hindi iyan dahil sa makeup, ano kaya ang dahilan? At sino kaya ang dahilan?" tanong ni Monique at natawa lang ako.
"Sorry, ang traffic kasi kaya ngayon lang ako," sabi ni Marjorie pagdating niya.
Nagkatinginan muna kami ni Monique at saglit na tumawa. Nakipag-beso muna siya sa amin bago umupo. Tinawag na namin ang waiter para umorder ng pagkain.
"Bakit parang may kakaiba sa iyo, Lot?" tanong ni Marjorie at hinawakan ang baba ko para tingnan ng maigi ang mukha ko.
"Napansin mo rin ba, Moni?" tanong ni Marjorie kay Monique habang hawak pa rin ang baba ko.
"Tinatanong ko nga kung nagpalit ba siya ng makeup pero sa tingin ko may ibang dahilan," nakangiti na tugon ni Monique at tinanggal ko ang kamay ni Marjorie.
"Baka gusto mong linawin ang mga katanungan namin?" tanong ni Marjorie at natawa ako habang tinitingnan ko ang dalawa.
"I am seeing someone," pigil ang ngiti na sabi ko at ngumiti ang mga ito.
"Sabi ko na nga ba. Sa wakas ay nadiligan na rin ang bulaklak na matagal nang lanta," nakangiti na sabi ni Marjorie at natawa ako dahil ikinumpara niya ako sa isang bulaklak.
"Kaya pala ibang-iba ang ningning ng mga mata mo. Iba rin ang ngiti mo parang mapupunit na," sabi naman ni Monique at napailing na lang ako dahil sa sinasabi ng dalawa.
"Kailan naman namin makikilala ang huwaran na hardinero na nagpapaganda sa bulaklak?" tanong ni Marjorie.
"Two weeks pa lang kami nag-start magkita. Ilang buwan ko na siya nakilala at humingi siya ng chance na makilala namin ang isa't isa," sagot ko.
Dumating na ang pagkain namin kaya hindi muna ako nag kwento at hinintay na umalis ang waiter. Sinimulan ko na ikwento ang tungkol sa amin ni Nathaniel mula sa unang pagkikita namin hanggang sa kung ano ang nangyari sa amin ngayon. Iba't ibang reaksyon ang nakikita ko sa dalawa habang nagkukwento ako. Wala kaming sekreto sa isa't isa kaya binanggit ko na may nangyari na sa amin ni Nathaniel.
"Wala akong nakikita na problema kung mas matanda ka sa kanya. Katulad namin ni Chris although nag-alangan din ako pero naisip ko hindi naman iyon mahalaga. Ang mahalaga ay nagkakaunawaan kayo, may respeto kayo sa isa't isa at higit sa lahat ay masaya kayo. As long as masaya ka at wala kang tao na tinatapakan go lang," paglalahad ni Marjorie sa opinion niya at napaisip ako.
Tama naman si Marjorie sa sinabi niya ang mahalaga ay masaya kami ni Nathaniel. Hindi mahirap pakisamahan si Nathaniel dahil mature naman siya mag-isip at magkasundo kami sa ilang bagay. Wala rin akong taong tinatapakan sa relasyon naming dalawa.
"Huwag mo isipin ang sasabihin ng ibang tao dahil ang mahalaga ay ang nararamdaman mo. Sundin mo lang ang sinasabi ng puso mo dahil ikaw lang ang makakapagsabi kung masaya ka o hindi. Sa tingin ko naman ay masaya ka sa kanya dahil kitang-kita iyon sa mga mata mo," sabi naman ni Monique.
"Hindi ko naman totally naisip ang sasabihin ng mga tao tungkol sa amin. Ang unang pumasok sa isip ko ay ang naging experience ko kay Ronan. Natatakot lang ako na masaktan dahil at the back of my mind there is no way this will be right. Kaya nga as much as possible ay iniwasan ko talaga siya pero in the end ay bumigay din ako sa kanya," sabi ko.
"Base on my experience hindi lahat ng lalaki ay magkakatulad ng mindset when it comes to relationships. Wala rin makakapagsabi kung ang guy na kasama o nakilala natin ang nakatakda para sa atin. Kailangan natin buksan ang puso at isip natin kasi hindi natin masasabi baka siya na pala. I'm not sure kung si Chris ba talaga ang para sa akin pero as long as mahal namin ang isa't isa okay na ako roon. I know it's risky but like in any business you need to invest to know it's worth. Kung masaktan ka man in the end well it's just a part of it. Hindi naman iyon maiiwasan pero the best part is there are lesson in it that you need to learn," tugon ni Marjorie.
Wala talagang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinaharap kaya dapat samantalahin ko ang pagkakataon na ito para maging masaya. This time ay gagawin ko ang lahat ng gusto ko nang walang pag-aalinlangan. Ibibigay ko ang lahat kay Nathaniel without thinking what will happen in the end.
"Ano man ang mangyari Lot, nandito lang kami kaya huwag kang matakot na sumugal. Just follow where your heart takes you," nakangiti na sabi ni Monique.
"Maraming salamat sa inyo guys dahil nandiyan kayo palagi. I will take all your advice," nakangiti na sabi ko ay hinawakan ko ang kamay ng mga ito.
"Kumusta naman ang pagdidilig?" tanong ni Marjorie pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan.
Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko na tubig dahil sa tanong niya. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang init dahil bigla kong naalala kung paano niya ako paligayahin. Mabilis ang malakas ang epekto ni Nathaniel sa akin. Marahan na umiiling ako para alisin iyon sa isip ko.
"Sa amin ka pa ba mahihiya?" natatawa na tanong ni Marjorie.
"Okay naman," simpleng sagot ko at uminom ako ng tubig dahil pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko.
"Okay lang?" nagtataka na tanong pa niya.
"Ano ang gusto mong sabihin ko na halos mabaliw ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang ginagawa niya sa akin," sagot ko at biglang tumawa ang dalawa.
"Okay nga lang naman Margo," pangaasar ni Monique.
"Exactly what I feel now with Chris. Exciting, adventurous, sensual, addicting and more," nakangiti na sabi ni Marjorie.
Hindi na ako nagsalita pero lahat ng description na binanggit ni Marjorie ay sakto sa nararamdaman ko. Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa bar ng client ni Marjorie.