Charlotte Kalalabas ko lang galing sa banyo ng marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Sinagot ko agad iyon ng makita ko ang pangalan ni Nathaniel sa screen. Excited na ako dahil ngayong gabi ko pormal na ipakilala si Nathaniel sa dalawang kaibigan ko. Alam naman nila ang tungkol sa amin dahil wala naman ako nililihim sa kanila. Sila pa nga ang nagpayo sa akin na huwag ko pigilan ang sarili ko at hayaan ko si Nathaniel na makapasok sa buhay ko. Alam ko na hindi na dapat ako magpakipot pa dahil sa edad ko pero ayaw ko naman kasi magpadalos-dalos ng dahil lang sa nararamdaman ko. I learned my lesson from Ronan dahil sa pinapakita niya ay agad ko siya pinapasok sa buhay ko without knowing him first. Gusto ko lang maka-sigurado na hindi lang s****l desire ang namamagitan sa aming dalawa. Hindi

