Karen's POV
Nagising ako ng may mga nag-uusap sa paligid ko.Hindi agad ako dumilat para marinig ko kung ano ang pinag uusapan nila.
"Boss nasa basement na po si Charlotte,na review ko na rin ang cctv sa bahay mo sinend ko na sa email mo."dinig kong sabi ni Gina.
"Siguraduhin niyong hindi makakatakas ang babaeng yun ako ang magpapataw sa kanya ng parusa,"galit na sagot naman ni Zaki.
"Nalaman ko rin na kaya pala lumalapit siya sayo para makakuha ng impormasyon para pabagsakin ka,yan ang plano nila ng kanilang ama."sabi ni Gina.
"Matagal ko na silang pinaghihinalaan hindi nga talaga ako nagkamali sa kutob ko sa mag-ama na yun."gigil na sagot ni Zaki.
Nakaramdam naman ako ng pagka uhaw kaya nagmulat na ako ng mata ko,nakita naman ni Gina na gising na ako kaya sinabi niya kay Zaki.
"Tubig.paghingi ako ng tubig,"agad namang kumuha ng tubig si Zaki at binigay sa akin.
"May masakit ba sayo?anong masakit?saan ang masakit?"tarantang tanong niya.
"Ano nangyari sa baby ko,may masama bang nangyari,"kinakabahang tanong ko.
"Walang nangyari sa baby natin safe siya,"sabi naman ni Zaki.
"Baby ko lang,wag kang mag-alala paglabas ko dito aalis na ako.magpakalayo-layo na ako hindi ko kayo guguluhin ng fiance mo."sabi ko.
Bigla namang nagbago ang itsura niya nakikita ko ang galit sa mukha niya.Nang dahil sa babaeng dinala niya sa bahay niya muntik pa mapahamak ang anak ko.
"Anak ko ang nasa tiyan mo Karen,ako ang ama may karapatan ako sa kanya.Wag na wag mong susubukan na ilayo ang anak ko sa akin dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.Hindi ko nga alam kung saang balita mo nakuha na may fiance ako"galit na sabi niya.
"Kung hindi mo dinadala ang babaeng yun sa bahay mo e di sana hindi ako nakahiga dito ngayon..Pasalamat ka hindi napahamak ang anak ko dahil pag nagkataon at nakunan ako pareho ko kayong dalawa na ibabaon sa lupa."galit na sabi ko sa kanya.
"Miss Karen sino pong sinasabi niyo na fiance ni Boss?kayo lang naman ang babae na dinala niya sa bahay niya at wala ng iba,"takang sabi ni Gina.
"Si Charlotte,"tipid na sagot ko.
"Naniwala ka naman sa sinabi niya?,"tanong ni Zaki.
"Naniwala ka nga rin na tinulak ko siya diba?kaya nga sinigawan mo ako agad ng hindi man lang inaalam ang totoo."hindi naman siya nakapag salita sa sinabi ko sa kanya.
Nilapitan naman niya ako at niyakap na para bang mawawala ako sa kanya.
"Sorry hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo,may dahilan lang ako bakit ko nagawa yun.Please wag mo akong iiwan di ko kakayanin,"malungkot na sabi niya.
"Ipaliwanag mo sa akin kung ano ang dahilan mo,siguraduhin mo lang na katanggap-tanggap ang sasabihin mo,"sabi ko naman sa kanya.
Ipinaliwanag ni Zaki kung bakit nagawa niya yun,akala ko gusto niya ang bruhang Charlotte na yun.May hinala pala siya dito na hindi gagawa ng mabuti.Dapat lang na maparusahan ang babaeng yun.Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin.
Si Zaki ang nag-aalaga sakin sa ospital hanggang sa paglabas ko.Nandito ako ngayon sa kwarto kumakain ng mangga na may bagoong.Ayaw kasi niyang magkikilos ako kaya dito nalang daw ako sa kwarto.Sinabihan kasi kami ng doctor na mag doble ingat lalo na't muntik ng mapahamak ang anak ko.
Pag bumaba man ako sa baba nakaalalay naman siya,siya din ang tagabili ng mga cravings ko.Wala siyang magagawa anak niya ang nasa tiyan ko,nalaman ko nga nung nasa ospital ako na isang buwan na pala akong buntis.
Bumukas ang pinto at pumasok si Zaki na malawak ang ngiti at may bitbit na indian mango.Lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako sa labi ng lumayo ako sa kanya.Sumama naman ang mukha niya sa ginawa ko.
"Bakit ka lumalayo pag hahalikan kita,"galit na tanong niya.
"Alam mo naman na kumakain ako ng mangga na may bagoong at tsaka amoy bagoong ang bibig ko,"sagot ko sa kanya habang sumusubo ng mangga.
Wala naman siyang nagawa dahil ayaw kong magpahalik nakabusangot lang siya habang pinagbabalat ako ng mangga.Akala mo naman nakagawa ako ng malaking kasalanan sa kanya.
"Gusto mo bang paglabas ng anak natin nakasimangot ang mukha niya kasi ang ama niya nakasimangot din habang nagbabalat ng mangga na kinakain niya sa loob ng tiyan ko?sabi ko sa kanya.
Umayos naman bigla ang mukha niya,lihim nalang akong napatawa sa ginawa niya.Sana ganito na lang kami palagi masaya lang kung may pagsubok man sana malalampasan naming magkasama.Wala naman siyang reklamo sa pagbabalat niya ng mangga.
Pagkatapos kong kumain dinala ni Zaki ang pinag kainan ko sa baba samatalang ako naman ay punasok sa banyo at nag toothbrush dahil amoy bagoong ang hininga ko.
Pagtapos kong mag toothbrush lumabas na ako at sumampa sa kama.Kinuha ko ang remote para manood ng tv.Buti nalang at naisipan ni Zaki na maglagay ng tv dito sa kwarto.
Habang pumipili ako ng pwede kong panoorin sa netfl*x pumasok si Zaki may bitbit na pakwan at tubig.Nilapag niya ang tubig sa table at ang pakwan naman ay dinala niya sa akin sa kama.
"Nag toothbrush kana ba?"tanong niya sa akin.
Nagtaka naman ako sa tanong niya kaya inamoy ko ang hininga ko baka mabaho.Amoy mint naman dahil sa toothpaste na ginamit ko.
"Oo.Hindi naman mabaho hininga ko huh!"pero agad niya akong sinunggaban ng halik sa labi.
Pasaway talaga na lalaking to ang akala ko pa naman amoy bagoong pa ang hininga ko, yun pala gusto lang ng kiss.
Sinusubuan niya ako ng pakwan habang nanonood kami ng movie.Sinabi niya na kung ano ang gusto kong kainin na prutas sabihin ko lang daw para magpapakuha siya sa farm niya.
Naalala ko naman si Charlotte kaya tinanong ko siya kung nasaan na ang babae at kung ano ang ginawa niya.Sinabi niya namang nasa basement daw ito at wag ko ng isipin pa ang babaeng yun dahil baka ma stress lang ako.
Bigla naman akong nakaramdam ng antok sa movie na pinapanood namin.Sinabi ko kay Zaki na papatayin ko na ang tv dahil inaantok ako.Agad niya naman itong pinatay.Uminom lang ako ng tubig at nahiga.Ganito siguro talaga pag buntis parati nalang inaantok.Inayos ni Zaki ang kumot ko tsaka ako hinalikan sa noo.