Masaya akong lumabas ng silid namin ni Master Kaito upang puntahan si Jonas. May usapan kasi kahapon na ipapasyal niya ako sa malaking hardin ng palasyo. Excited na excited ako. Si Master Kaito naman ay hindi ko na ito naabutan noong nagising ako. Siguro busy na naman iyon dahil laging umaalis at nakakalungkot dahil hindi lang ito nagpapaalam. "Jonas~" Masayang tawag ko dito habang nagpupunas siya ng mga kubyertos. Kaagad naman akong lumapit dito at tumulong na din sa ginagawa niya. "Magandang umaga sayo." Jonas greeted me. Ngumiti naman ako dito at binati na din siya. "Magandang umaga din." Sabi ko pa. "Ang aga mo naman. Excited na excited oh." Pang-aasar niya sa akin. Sino ba naman kasi ang hindi maeexcite. Mahilig kasi ako sa mga bulaklak at pangarap ko balang araw ang magka

