Maaga akong nagising kinabukasan. Pagbukas palang ng mata ko mukha kaagad ni Master Kaito ang bumungad sakin. Nakatagilid kasi ako ng higa paharap kay Master Kaito at si Master naman ay nakatagilid din paharap sakin. Master is sleeping soundly. Ngayon ko lang ito naabutang tulog pa. Kadalasan kasi tuwing gigising ako wala na ito sa tabi ko. Siguro napagod ito sa kakaisip kung ano ba talaga ang gagawin niya. "Master.." Mahinang ani ko sa pangalan niya. Hinaplos ko naman ang mukha nito. Inaamin ko, gusto ko na si Master Kaito. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang kagaya niya. Binawi ko naman kaagad ang kamay ko mula sa mukha niya ng iminulat na nito ang kanyang mga mata. "G-good morning Master." Nakangiti kong turan dito. Kahit na kinakabahan ako. Kaagad itong bumangon at bum

