“Love! Ahh! Ako naman!” Napatingin ako kay Hell nang sumigaw ito mula sa kan’yang pwesto. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyayari sa kaniya, dahil nagmistulan itong bata na hindi mo nabibigyan ng laruan o kaya naman ng kani’yang gustong kainin. “Saglit lang, Love!” Napatingin ako kay Yi nang subuan ko ito ng kanin at manok, ngunit nakatingin lamang ito sa akin ng kay kupad-kupad ibuka ang kan’yang bunganga. Napakakupad talaga ibuka ang bunganga nito upang subuan ko siya ng kan’yang pagkain. “Yi! Ano ba? Bilisan mo na!” Naiinis na asik ko ng ilang segundo na ang nakalipas ay hindi pa rin nito naiibubuka ang kan’yang bibig. “Love! Nagugutom na ako, oh! Ouch! Ah! Sakit!” Mabilis kong nilingon si Hell na ngayon ay parang tangang hinahawakan ang kan’yang sugat sa tyan. “Kai Nian!” Sigaw

