Nagising na lamang ako nang makita ko ang maliwanag na pader at may dalawang taong nakatingin sa akin.
"Oh, my gosh! She's awake!" sandali nang alugin ni Nellissa ang braso ko. "Nell!" pigil sa kaniya ni Decerly.
"Nakakaasar talaga! Bakit ka niya hinampas ng gano'n?! Are you now fine?" nag-aalala niyang tanong pa sa akin.
Sandali akong pumikit upang mag kwento dahil wala na akong magagawa. Inaantay nila ang sagot ko sa tanong.
"Ewan ko..." 'yun na lamang ang sagot ko. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako hinampas. Alam kong babae iyong humampas sa akin dahil naamoy ko sa pabango nito.
'Yun nga lang ay hindi ko rin alam bakit ako nito hinampas. Hindi ko rin nakita ang mukha nito at hindi ko rin alam kung bakit ba niya iyon nagawa.
"Hindi kaya dahil ikaw na 'yung bagong girl friend ni Hell?" agad naman nabuhayan ang dugo sa narinig ko!
GIRLFRIEND DAW AKO NI HELL!
Halos hindi ko mapigilan ang mabungis-bungis at ngumiti dahil sa kilig na nararamdaman ko na parang may kung ano sa tyan ko ang nalipad-lipad.
"Stacy!" nawala ang ngiti ko sa mukha nang marinig ang sigaw ni nellisa. Bahagya akong napatingin sa kanya na parang diring-diri siya nakikita.
Napaupo ako nang makitang seryoso ang mukha nila.
"Hindi mo ba alam na delikado ang maging boy friend si Hell?" batid kong ang iniisip niya ay ang mga kaaway ng KAZU.
"Halos lahat ng naging girlfriend niya ay nasasangkot sa away, Stacy! At ang iba ay nabubugbog at nasasaktan..." may halong lungkot at pag aalala sa mukha niya .
Ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan nag-aalala sa akin. Napatingin ako sa kanilang dalawa at naisip na itinuri nila akong kaibigan talaga.
"Salamat..." takang tumingin sa akin ang dalawa at inisip nila kung bakit ba 'ko nagpapasalamat, out of no where.
"Thank you, kasi nag-aalala kayo sa akin...
" binigyan sila ng ngiti. Agad sumugod ng yakap si Decerly at sumunod si Nellisa.
"Sira ulo ka! Syempre!" kahit hindi pa kami katagal magkasamang tatlo ay napamahal ako kaagad sa kanila, dahil siguro ay ngayon lamang ako nagkaroon ng kaibigang tulad nila.
"Matagal ka na naming balak pang kausapin... kaso natakot talaga kami nu'ng one time ay..." nagtinginan pa silang dalawa ni Decerly.
"Nu'ng one time na sinira mo 'yung pen mo gamit ang isang kamay mo lang..." pagpapatuloy ni Decerly sa naudlot na kwento.
Parang ayon lang? Kahit sino naman ay kayang gawin iyon.
"Pero mabalik ang usapan..." sumeryoso muli ang mukha nito at tumitig sa akin. "Kailan pa naging kayo ni Hell?" kaagad naman nanlaki ang mga mata ko, nalungkot bahagya ang aking mukha sa katotohanan na hindi naman talaga ako ang girl friend nito.
Napagkamalan lamang akong girl friend nito.
"Apat na araw ang nakalipas nu'ng may ku-" hindi ko natuloy ang pagkwento ko nang nanlaki ang parehas nilang mata at biglang nagsalita si nellisa.
Hindi na natuloy ang kwento ko.
"Shocks! Stacy! Apat na araw?!" humawak pa sa braso ko si Nell. "Decerly, tama naman ang rinig ko 'di ba? Apat na araw!"
"Nagseselos si Mavie! Dahil ikaw pa lang ang nagtagal Stacy! Paano nangyari iyon?!" halos alugin ako ni Nellisa, habang sinasabi niya iyon.
"Teka lang kase!" pagtatanggal ko ng kamay nito sa braso ko at agad naman itong naupo ng maayos muli. "Apat na araw na ang nakalipas ng pagkamalan akong girl friend ni hell." nanlaki ang mga bungabunga at halatang 'di makapaniwala.
"Paano? Teka bakit ikaw?" kahit ako nga ay hindi makapaniwalang pinagkamalang girl friend niya ako.
"Ang gulo! Ngayon lang nangyari ito." tumungo muli si decerly upang sumang ayon. "Si Mavie , siya 'yung humampas sa 'yo. Siya 'yung Ex-girl friend ni Hell na na-kidnap. Actually, lahat naman ng naging girl friend ni hell ay gano'n, ngunit si Mavie lang ang iniligtas niya at ng KAZU.
"Ano kinalaman ko doon?" dahil hindi maganda ang pag mhampas ng tray sa akin at mukha ko pa talaga.
"Nagseselos 'yon, dahil pangalawa ka sa iniligtas ni Hell nu’ng kinidnap ka..." Halos nagulat naman ako sa sinabi nito nang marinig kong niligtas ako ni Hell.
E, anino nga nila ay hindi ko nakita! Sarili ko ang nagligtas sa akin, hindi sila! Pero mahal ko pa rin si Hell syempre!
"Pero hindi pa rin maganda ang ginawa niya.." dagdag ni Decerly at tumungo-tungo si Nellisa ..
Napagdesisyonan naming umalis na ng clinic at bumalik na sa room. Halos isang oras na lamang ay mag-uuwian na.
Hindi naman ako tinanong ni Miss, kung bakit ngayon lang kami nu’ng ibinigay ni Nellisa ang letter mula sa clinic. Agad naman akong naka upo sa upuan ko ngunit rinig ko ang bulungan ng nasa harapan ko.
Ang mga Plastic Sisters…
"Queen Mavie is back…" si Lortie at ngumiti sa akin na parang nang aasar.
"’Yan ang napapala ng mga malalandi," sabi ni Kisses at tinarayan ako. Hinahantay ko ang sasabihin ni Dabbie ngunit hindi ito nagsalita.
At ‘di rin nagtagal ay natapos ang pagtuturo ni Miss at rinig ko ang pagtunog ng bell.
"Uuwi ka na?" tanong sa akin ni Nellisa na inaayos ang kaniyang bag. "Oo, mauuna na ako, ah!" tumakbo ako upang puntahan ang building ng KAZU, syempre para makita si Hell.
Mabilis kong tinakbo ang papuntang building nila, halos nagniningning ang mga mata ko ng isipin ko pa lamang ay makikita ko na ang mahal ko!
Pagkadating ko pa lamang doon ay walang nag-iintay na kababaihan. Napaisip tuloy ako kung nag-uwian na ba sila o hindi pa.
Sumandal ako bahagya sa pader na lagi kong pinag-aantayan.
Halos makapal na talaga ang mukha ko ng maalala ko na nag-I love you ako sa kanya. Pag naiisip ko ‘yon ay gustong-gusto ko na talaga siya i-kiss sa pisngi.
Napatingin ako bahagya sa gilid ko ng makita ko ang inaantay ko, mukhang pauwi na siya pero bakit siya lang?
Tumakbo ako papunta sa kanya at huminto sa harap niya.
Gulat itong napatingin sa akin at nagdikit ang kanyang mga kilay, halos kilig na lamang ang naramdaman ko ng bigla itong tumitig sa akin na parang sinasabihan na ‘wag akong humarang sa daanan niya.
"Hi! Love!” halos buong puso kong sabi. Oo, kakapalan ko na mukha ko pero gustong-gusto ko talaga siya tawagin na Love, e!
Feeling ko talaga ay mag-boy friend at girl friend kami ng ako lang ang nakakaalam!
"Tsk…" ‘yun na lamang ang sinabi niya at umalis. "O-oy! Teka!" habol ko sa kanya ngunit na patingin ako sa pinanggalingan nito at nakita ko ang babaeng halos ang sama na nang tingin sa akin.
Sino naman kaya ‘to?
Bumaling ang tingin ko kay Hell at pinuntahan ito, mangungulit na talaga ako.
"Love, wait lang!" hahawakan ko na sana ang braso nito ngunit umilag ito.
Nanlaki ang mata ko ng anong oras man ay pwedeng sumalpak ang mukha ko sa lupa dahil sa pag-ilag nito.
Inaantay ko na lamang ang pa bagsak ko ngunit gayon na lamang ang gulat ko ng may humawak sa bewang ko.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tinignan ang nagsalo sa akin.
Gumunit ang mga ngiti ko sa mukha ng makitang si Hell na halos magdikit na ang mga kilay sa inis ay iniligtas ako.
"T-thank you, Love... " ngiting sabi ko dito at halos humigis na ang mga mata ko ng hugis puso at natibok-t***k pa.
"Shut that crap. Don't call me l-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang magsalita ako muli.
"Love?” dagdag ko at ngumiti ulit sa kanya.
"f**k!" bigla nitong sigaw sa akin at binigyan ng nakakatakot na tingin, pero para sa akin ang mga tingin na iyon ay kamangha-mangha.
Nakakakilig na tingin!
"I love you, Love." malambing na sabi ko, gano’n na lamang ang bilis niya at bigla itong lumapit sa akin at kwenenlyuhan ako.
Naroon pa rin ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya.
"’Wag mo akong tatawaging L-"
"Love?" pagpuputol ko sa sasabihin niya, bahagya akong ngumiti lalo at inilapit ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan ang ilong nito.
Nabitawan nito ang kwelyo ko at tinignan ako ng may pagkagulat. Kita ko itong lumunok at bahagyang nagdilim ang paningin nito sa akin..
Damn it! I’m in danger!
"Bye, Love! I love you!" takbo kong sigaw papalayo. Mabilis akong tumakbo papunta sa parking lot upang kunin na ang bike ko.