"KAILANGAN MO MABUHAY ANAK..." duguan ang kaniyang mukha habang sinasabi niya ang mga iyon sa ‘kin. "'Wag kang bibitaw anak dahil maraming ngangailangan ng tulong mo..." halos nakabaliktan na ang aming kotseng sinasakyan at ngayon ay duguan na ang mukha ng aking ina gano’n din ang ama kong hirap na hirap habang nakatingin sa amin. "Anak," kahit nahihilo na ako ay tinignan ko pa rin ang aking amang nagsalita. "Tignan mo kung kaya mong buksan ang pintong iyan." kahit hirap sa pagsasalita ay nagawa niya akong utusan kung maari ko bang buksan ang pinto. Batid kong nayupi ang pintuan sa harap sa lakas ng pagkakabangga sa amin. Agad kong sinipa-sipa ang pinto habang nakabaliktad ang kotse namin ngunit agad naman iyong bumuka sa sipa ko. Mayroon sa ‘kin ang saya dahil makakalabas kami sa sasa

