"HUMINAHON lang ho kayo mister. Inaalam na po namin ang kalagayan ng misis niyo,” pagpapakalma ng doctor kay Chase. Kanina pa ito hindi mapakali sa gilid ng hinihigaan ng ni Archella. Nakapalibot dito ang tatlong nurse at ang doctor na tumitingin dito. Walang mapaglagyan ang takot na kaniyang nararamdaman habang pinapanood ang mga ito habang sinusuri si Archella. "Make it fast, doctor. Kapag may masamang mangyari sa asawa ko ipapasara ko itong ospital niyo.” Hindi niya maiwasan na hindi pagbantaan ang doctor na alam naman niyang ginagawa lang naman nito ang trabaho ngunit tinatalo ng pag-aalala para sa kaligtasan ng kaniyang asawa ang rason sa kaniyang utak. Hindi na siya makapag-isip ng matino. Natatakot siya sa kung anong dahilan bakit bigla na lang itong nawalan ng malay-tao. May

