Chapter Seven

2284 Words

ALAS-3 ng hapon kinabukasan nang makarating sila sa airport ng lalaki. Isang oras na lang at flight na nilang dalawa ni Chase papuntang South Korea. Hindi na sila nagpahatid sa mga magulang ng lalaki dahil ayon rito ay maaabala lang ang mga ito kung ihahatid pa sila. Ang isa pa ay ipagda-drive naman sila ng driver nitong si Jude. Dumating ang driver ng lalaki ng mga tanghaliang tapat dala ang mga dadalhin nilang gamit para sa bakasyon. Masasabi niyang pinaghandaan nga ng lalaki ang kanilang honeymoon trip dahil agaran ang naging pag-alis nila sa bansa.   Mula ng makaalis sila sa bahay ng mga magulang ay hindi niya maiwasan na hindi mapangiti sa t'wing naaalala ang naging paghihiwalay nilang dalawa ng nanay ng lalaki. Niyakap siya nito at nagpalitan pa ng mga numero para raw ay lagi pa ri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD