Ang galit ko'y humupa ng matanaw ko ang taong pinaka-aabangan ko ng halos isang buwan. Ngiti ang gumuhit sa aking mga labi ng mga oras na iyon. Kanina'y nag-aapoy ako sa inis pero nang makita ko siya'y nawala lahat ng galit na namuo sa aking puso. Pakiramdam ko tuloy ako'y isang ina na kapapanganak pa lamang ng sanggol, matapos ang delubyong sakit ay napalitan kaagad ng ginahawa matapos makita ang anak. Nakita nya ako at napatingin. Kinampay ang kanang kamay at pinalapit ako. Kinumpas ko rin ang kanang kamay ko para senyasan siyang siya ang pumunta sa kinatatayuan ko dahil baka utusan na naman ako ng Nanay ko na noo'y nagbabantay ng tindahan. Dali-daling tumungo ang tinuring kong asawa sa kinatatayuan ko. Hindi ko ladlad na ipinakita sa kanya ang sobrang kaligayahan ng makita ko si

