Kagagaling ko lang sa church nila George. Inimvite niya kasi ako sa isang mass na puro kabataan ang nandoon. Sabi niya kasi sa akin, marami raw akong matututunan 'dun, at matutulungan ako sa pinagdadaanan ko ngayon.
Hindi naman ako nagsisi kahit hindi ako pala-simba, kasi madami akong bagong nakilala, at yung sinabi lahat 'nung nagsasalita sa harap e sobrang naka-relate ako.
Gabi na nang nakauwi ako. Mas gumaan ang pakiramdam ko sa simbahang iyon kaysa 'nung sa bar pa ako pumupunta.
Ngayon, andito ako sa kwarto, namimili ng mga damit na dadalhin ko para 'dun sa shoot namin sa may San Felipe, Cavite, bukas na kasi 'yon.
Buti kamo 2 weeks wala sila Mommy and Daddy ngayon dito sa mansyon kaya naka-uwi ako, dahil kung hindi manghihiram na naman ako ng damit kay Kim. Doon kasi ako nagstay sa kanila hanggang humupa 'yung g**o between me and my parents.
Naimbitahan kasi ang parents ko na dumalaw sa isang magbubukas na historical museum dahil nga kami ay mula sa pamilya ng mga Fernandez.
Namimili ako ng travel bag na gagamitin ko, nang marinig kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto na agad ko namang binuksan at nakita ang aking lola na nakangiti sa akin habang may dala siyang isang kahong gawa sa kahoy. Luma na yung kahong dala niya, teka para saan kaya 'yun?.
"Magandang gabi, apo." Pagbati niya sa akin. "Pwede ba kitang maistorbo?"
Ngumiti lang ako at tumabi nga siya sa akin sa kama. "Balita ko, ihahatid ka raw ni Kuya Will bukas sa University mo. May pasok ka ba iha? Para sana mapaghandaan kita ng umagahan bukas."
Umiling ako, "Wala ho La, pero may shoot po kami sa San Felipe bukas until Sunday, kaya medyo mabigat po ang dala ko."
Lumaki ang mata ni Lola Aurora, halatang kinagulat niya ang balita ko. "Pupunta kayo sa San Felipe, Cavite?"
"Oho La, may ancestral house po kaming pag-shoo-shootan ng play po namin para sa Philippine History."
Hindi ko magets pero sobrang kumikinang ang mga mata ng lola ko dahil sa mga sinasabi ko sa kaniya. Ang weird niya.
"Nakakatuwa naman, kahit na ba hindi ka na nakabisita pa sa mansiyon ng pamilya natin doon, e makakapunta ka pa rin pala sa San Felipe."
Nagulat ako sa sinabi niya. Tama nga, ibig sabihin meron nga kaming bahay dun. "Mansiyon? Sa San Felipe? Ibig sabihin may bahay tayo doon Lola?"
She nodded. "Oo apo."
"Pero bakit hindi ko po alam?" Sunod-sunod kong tanong. "Bakit parang wala po akong naaalalang dumalaw tayo 'dun?"
Ngumiti ang aking lola, pero naramdaman kong may halong lungkot 'yun. "Matagal na kasing sira ang ancestral house na iyon. Nagmula pa 'yun sa pinaka-punong pamilya ng mga Fernandez, mula pa sa mag-asawang Peninsulares (Español) na sina Senor Diego at Señora Isabella Fernandez."
Ah oo tama. Base sa kwento sa akin ni Lola Aurora, kami raw ang huling saling-lahi ng Fernendez. Parati raw kasing isa o dalawa lang ang nagiging anak ng bawat magasawa mula sa lahi namin.
Aurora Fernandez De Villa ang buong pangalan ng aking lola. Middle name na ng Daddy ko ang Fernandez. Weird mang isipin, pero ang Mommy ko was born with the same surname from different lineage of Fernandez, pero hindi sa pamilya namin kaya ang apelido din niya ay Fernandez, at pareho silang nagiisang anak.
Kaya ganun na lamang ang admiration ng mga tao sa kanilang dalawa kasi dalawang Fernandez ang nagka-tuluyan.
Malas lang hindi si Mommy ang naging lalaki, edi sana purong Fernandez pa rin ako.
Sa pagkakataong 'to, ako na lang ang pinaka-huling masasalinan ng apelido na ito bilang Asteria Fernandez De Villa.
"Sira po? Ano pong nangyari?" Nacurious ako 'dun ah.
"Kasi alam mo iha.." Inilapag niya sa tabi ko ang kahong hawak niya. "..nasira iyon 'nung World War II. Dati dumadalaw kami ng magulang ko doon para sana irestore ang mansiyon kaso nga lang.."
"Kaso po?"
"Nabaling na ang atensyon ng aking pamilya dito sa negosyo nila sa Quezon, kaya hindi na kami pa nakauwi doon at dito na lang din pinili ng mga magulang kong manirahan, kasi nga nasira na iyon."
Ibig sabihin, totoo nga ang iniisip ko. Tama nga, may ancestral house nga kami sa San Felipe, it's just that hindi na 'yon na maintain. Sayang naman.
"Sayang naman po iyon Lola, hindi na po ba pwedeng ipa-renovate ni Daddy 'yun?" Tanong ko. Sayang, bahay bakasyunan din 'yun ah.
Umiling siya. "Hindi na ata, pupuwede."
"Bakit po? Wala na po ba sa atin ang titulo?"
"Na sa pamilya pa rin natin. Naka-pangalan iyon sa De Villa, sa akin. Ang buong lupain ng Hacienda de Fernandez kasama na ang mansiyong iyon ay hanggang ngayon naka-pangalan pa rin sa atin."
Ibig sabihin hindi lang mansiyon, kung hindi buong hacienda pala ang pagmamay-ari ng pamilya namin doon.
"E bakit hindi po pwede?" Hindi ako mahilig ng history, pero siguro kasi I know na meron ang pamilya nila George na pamamahay dun kaya nacurious ako.
"Ayaw kasing labasan ng pera ng Daddy mo ang bahay na iyon, kasi nga luma na. Lalo't ang tatay mo ay masiyadong humaling sa modernisasyon, kaya hindi niya na ginusto pang ipagawa ulit 'yun." Ah, wala talagang interest si Daddy sa mga historical significance.
Napaka-irony na parati niyang sinusumbat ang pagiging Fernandez ko, pero siya mismo hindi pinapahalagahan ang kayamanan ng pagiging Fernandez niya.
Kaya nga everytime na nagiispeech siya sa mga events na naiimbitahan sila ni Mommy, English ang ginagamit niyang language at hindi Tagalog kasi hindi siya talaga mahilig sa history, kahit pa Tagalog punong wika ng Cavite.
Kaya nga ata galit siya sa akin bakit hindi ko natapos agad ang subject na iyon kasi siya, kwento niya pumasa siya 'dun kahit hindi niya sineryoso 'yon.
"Bahay-bakasiyunan sana natin 'yun La." Biro ko at agad namang natawa si Lola Aurora.
"Malay naman natin sa mga susunod na lahi e, may maka-isip na iparenovate ang mansiyong iyon." Hindi ka naman nagpaparinig Lola. "May rest house sa tabi ng mansiyon 'dun na pinagawa ang Lolo mo para matulugan kapag bibisitahin namin ang hacienda. Maliit lang iyon pero siguro napa-ayos na ni Daddt mo."
Wow, rest house sa tabi ng mansiyon. Pero bakit hindi na lang yung mansiyon pina-renovate ni Daddy. "Ay dapat yung mansiyon na lang."
"Sakto dala ko ang kahong 'to, teka may ibibigay ako sa iyo." Napatingin ako sa maliit na bagay na inilabas niya mula sa kahon. "O heto, dalhin mo ito bukas sa pagparoon mo."
Inabot niya sa akin ang isang lumang barya. Tinitigan ko ito at napansin kong naka-ukit ang taon nito, 1868.
"Alam ko nagtataka ka bakit mayroon ako niyan." Sabay labas ng isang pocket watch na mula rin sa kahong hawak niya. "Ang barya na 'yan ay nagmula pa sa panahon ng ating mga ninuno nung 18th century. Pinapasa lang iyan sa mga panganay na anak ng mga Fernandez, kasama ang pocket watch na 'to."
Napa-titig ako sa dalawang bagay na iyon. Sobrang luma na ng mga 'to pero natago pa ng pamilya namin.
"Hindi na nagana ang orasan na ito, at lalong hindi magagamit ang baryang ito, pero ang mga ito ang napaka-halagang memorabilia ng pamilya natin." Hinawakan ng aking lola ang aking kamay at inilapag doon ang lumang pocket watch. "Nawa'y ingatan mo rin 'to."
Napatitig ako sa dalawang bagay na hawak ko; isang barya at isang pocket watch na nagmula pa noong 1800's.
Hindi ako makapaniwalang makaka-kita pa ako ng ganito sa panahong 'to.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at sa hindi ko malamang dahilan para akong kinabahan na may halong may saya, lungkot at takot. Sobrang hindi ko maexplain ang nararamdaman ko.
Para bang nakita ko na ito noon, pero alam ko ito ang unang beses na nakita ko ito. Tinitigan ko ang pocket watch at may nabasa akong parang may naka-engrave doon sa gilid nito; "Asteria desde el 29 de Junio"
Nanlaki ang mga mata ko, bakit andito ang pangalan ko? "Bakit po may pangalan ko dito---"
Sagot ng Lola ko. "Ayan ang pinagmulan ng pangalan mo."
Hindi ko aakalaing makikita ko ang bagay na kung saan nanggaling ang weird kong pangalan. Shems, memorabilia pala ng pamilya ko ang pangalan ko, tapos nilalait ko lang at gusto ko pang palitan. Kaloka.
"Nakakatawa pang isipin na ang ibig sabihin ng salitang Español na iyan ay Asteria na mula Ika-29 ng Hunyo o sa Ingles naman ay, A Star from June 29."
Nagtaka akong bigla. Paanong nakalagay ang birthday ko dito? Teka lang, naguguluhan ako. "Lola birthday ko po iyan."
Huminga ng malalim ang Lola ko. "Sa totoo lang hindi ko rin talaga naiitindihan. Noong araw na ipananganak ka ni Aelyn, nataon na biglaang nagkaroon ng meteor shower sa Pilipinas na sobrang nagkagulo ang lahat kasi nagkaroon ng pagkagulo sa mga signal, mapa-cellphone, eroplano, radio lahat." I blinked my eyes, I did not expect na ganun pala ang nangyari nung mga oras na pinapanganak ako.
Ano yun? Concidence lang?
"Sobrang nagkakagulo ang lahat ng mga oras na iyon, at akala ko pa nga ay mamatay na kayong mag-ina dahil naubusan siya ng dugo habang pinapanganak ka. Pero humiling ako na sana mabuhay kayong dalawa, at salamat sa Diyos, natupad iyon."
Dagdag pa niya, "Bigla ko na lang naalala ang naka-ukit sa pocket watch na iyan, dahil saktong Hunyo 29 ang nakalagay diyan, at ang ibig sabihin ng Asteria ay Tala kaya naisip kong ipangalan na lang sa iyo ang salitang Español na iyan."
Napaka memorable naman pala ng pangalan ko. At kung hindi pa ito na-kwento sa akin ng lola ko, hindi ko pa malalaman ang kaganapang iyon.
Grabe naman pala. Pero ang weird talaga. Na may naka-ukit na ganoon sa orasan na 'to.
Pinipilit ko namang isipin na normal lang ang nangyare, pero kasi para talagang hindi e.
Ah, ayoko na nga.
Wala na nga akong nagawa kung hindi itago ang barya sa aking coin purse at dahil na rin sa tinatamad na akong itago ang pocket watch na binigay ng aking Lola, pinasok ko na lang din ito sa bag na gagamitin ko para bukas sa aking biyahe.