"Asan ako?" That was the first question na pumsasok sa isip ko nang maimulat ko ang aking mga mata.
I roamed my eyes and realized, I am inside a room. Iisang lamparang naka-sindi lang ang nagsisilbing ilaw sa napaka-dilim na kwartong ito. Sobrang nakaka-binging katahimikan at kung anong kamisteryohan ang nakabalot dito.
Wait, kanina lang ay na sa may hagdan ako ng mansyon, pero now I am here in a room, na wala akong ideya kung kanino o saang pamamahay 'to. Paano ba ako nakarating dito, bakit parang wala akong maalala?
I stood up and observed everything inside the room. May kama at tabi nito ay nakasaradong bintana, sa gilid ng study table ay may isang old man's clock, at kung ano-ano pa, pero alam ko hindi ito pangkaraniwang kwartong matatagpuan sa 21st century.
"Antique ang mga gamit dito." Unang tingin ko pa lang, alam ko hindi ko ito kwarto at lalong hinding-hindi ako pipili ng gantong disenyo. Pero isa lang ang alam ko, ang mga gantong bagay ay makikita lamang sa mga kabahayan sa panahon ng pananakop ng mga Español.
Sinilayan ko ang bawat detalye ng kwarto. Hinimas ko ang bawat bagay na masasanggi ng aking mga mata. I was looking at the details of the study table when I noticed there is something at the top of it.
"Papel?" Lumapit ako at sinimulang usisain ang aking nakita. Ang akala kong simpleng papel ay isa pa lang pahina ng liham, na mukhang hindi pa ito tapos maisulat dahil sa dip pen at ink na nakapatong dito.
Isasawalang bahala ko na lang sana nang mapansin ko ang nakasulat dito;
"Mi solicitud para mi pasado será cumplida por mi presente."
"Ang kahilingan ko sa aking nakaraan, ay tutuparin ng aking kasalukuyan."
Huh? Ano? Isa ba itong tula?
Wait, parang pamilyar ang linyang 'to. Nabasa ko na ba ito noon? Pero saan at kailan?
Bago ko pa man maisip kung ano ang maaring ibig sabihin ng mga linyang iyon ay bigla na lang naagaw ang aking atensyon ng isang malaking bilugang salamin na naka-dikit sa pader kung saan din naka-pwesto ang study table.
Napa-tingin akong bigla dito. Gusto ko sanang iiwas ang aking mga mata, ngunit the moment that my eyes meet my own gaze on the mirror, bigla na lang binuksan ng napaka-lakas na hangin ang bintana at hindi nagdalawang isip na nakawin ang nagi-isang sinag ng apoy mula sa lampara.
Tuluyan ng nabalot ang kwarto ng kadiliman, na ngayon ay ang mga bituin at buwan sa madilim na kalangitan na lang ang nagmimistulang gabay ng aking mga mata upang makita ko ang babaeng nasa harap ko.
"Si-sino ka?" Pautal-utal kong pagtanong ng mapansin kong iba ang expresyon ng aking repleksyon mula sa salaming tinitignan ko.
Sa oras na ito, hindi ko na naiitindihan ang aking nadarama. Pagtataka, lungkot, pagkagulat at higit sa lahat, pagkatakot ang aking nararamdaman sa mga oras na ito.
Sino siya? Ano ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Panaginip ba ito? Gustong ko ng umalis, gusto ko ng magising.
Pinilit kong iniwas ang aking mga mata sa pagkakatingin ko sa kaniya ngunit bago ko pa mang tuluyang magawa 'yun, bigla na lang lumabas ang kamay ng repleksyon ko mula sa salamin at hinawakan ng mahigpit ang aking mga pisngi gamit ang kaniyang iisang kamay.
Sabay nang pag-ngiti niyang labis na hindi kaaya-aya at nababalot ng katakot-takot na kasamaan, ang pagbanggit niya sa isang linyang lalong dumurog ng aking kapayapaan sa mga oras na ito..
"Ako ay Ikaw, Estella.."