"Oh? Pinaghahanap ka rin ng History book Asteria?" Bati ng kaklase kong si Cath pagkapasok ko ng library.
I nodded. "Oo sabi ni Pres e."
"Ito history book, kaso nakaka-tamad kayang magbasa." sagot ng isa kong kaklaseng lalaki from engineering department na si Jay. "This history class is so nakakatamad. Ang daming trip ni Mrs. Trajano, may pa-play play pang nalalaman e."
At pinagpatuloy pa nga ng mga classmates ko na mag-rant dahil sa drama namin for this subject. Di bale, ako nga rin, ayoko sanang sumama dito, kaso wala e. Ayoko ng makagalitan pa ni Daddy, lalo na I am trying to fix myself in front of my family. Also, I think makakapag-relax ako dito sa trip na ito.
I roamed my eyes and I noticed how big the library was. It was like our library sa bahay, kaso 'yung pagka-Spanish vintage kitang-kita. I did not expect na ganto kalaki ito. 'Yung mga libro mapapansin mong luma na at halatang wala ng gaanong nagbabasa.
May balkonahe rin yung library and its windows ay sobrang lalaki kaya hindi na need ng ilaw kapag gantong tirik pa ang araw. And most of all, sa sobrang laki niya, ang creepy tignan lalo na kung mag-isa ka lang na pupunta dito. Teka, asan pala si Kim?
Magtatanong sana ako dun sa dalawa kong kaklase kaso 'di pa sila tapos magbasa, ayoko na lang manggulo kaya ako na lang naghanap. After I passed two shelves, I saw Kim na nagbabasa ng libro sa sahig, habang nakasandal ang likod sa pader na tabi ng bookshelf.
"Hoy, anong binabasa mo? History ng Cavite Mutiny?" I stooped down and tried to read the lines from the book she was reading, pero iba napansin ko, may title yung book and it was 1871.
"Siyempre." She smirked, "Hindi. Ako pa ba?"
Tsk. Akala ko pa man din 'yun aatupagin, makapang-aya kanina kala mo naman talaga. "Ay nako, kanina kung makapagsalita ka na ang bagal-bagal ko, kala ko uunahin mo talaga ang history book."
"Inuna ko naman, kaso.."
My brows furrowed. "Kaso?"
"Iba nakita ko. I am not sure if this is a diary because the pages have dates on it, pero parang more of compilation ito ng letters e." Then she read a line from the book. "From November 8, 1871.."
Nawa'y maintindihan ninyo ang aking ginawa, minabuti kong ako na ang magdesisyong gawin iyon dahil alam ko, walang ni isa sa atin ang maglalakas loob na tumayo para sa kapakanan ng mas nakakarami..
Aba totoo nga, parang sulat nga. "Ano pang naka-sulat? Basa ka pa, baka may makuha pa tayo."
"Aba, pwede umambag. Hanap ka rin ng mababasa." Pagreklamo niya.
"Ingay, magbasa ka na lang. Iaanalyze ko, baka may related sa Cavite Mutiny." Maganda ito, makakakuha kami ng maganda-gandang script for our drama. Ewan ko na lang kapag 'di pa kami makakuha ng uno dito sa grades.
"Useful talaga pagiging Fernandez noh. 'Di ako informed na historical analyst ka na pala ngayon."
"Psssh, magbasa ka na nga lang."
"Oo na. Asteria ang tamad ah." Wala na siyang nagawa kung hindi umirap na lang. "Teka, from ibang year 'tong sulat na 'to ah. Bakit naka-pilas 'to?"
"Huh?" I looked at the page of the book that Kim was holding. Naka-dettach nga 'yung page. "O, punit nga."
Inusisa ni Kim 'yung page na hawak niya. "Baka naligaw lang 'tong letter na to. Siguro may nakapilas nito na tourist at siyempre katamaran linagay na lang dito, hindi na binalik dun sa book na pinanggalingan." She lifted up the page. "Kasi, this book I am reading, is like letters of the author for the year 1871, then ito naman ay for year 1872."
Ang weird na pati ito nacucurious siya. Tsk, kaka-nood ng mystery suspense na movie e. "Basahin mo na lang baka may makuha pa tayo."
"Sige. Ito oh, birthday mo pa, pakinggan mo; Ika-29 ng Hunyo, taong 1872.."
Ang nakaraan ay ating kasalukuyan, ang kasulukuyan ay ang ating nakaraan. Bagama't ang oras ay itinakwil ang ating pag-iibigan, asahan mong mananatili akong nag-aantay sa iyo, hanggang ang tadhana ay mapagod ng paghiwalayin ang ating mga landasin at pahintulutan ang minuto para sa ating wagas na pagmamahalan.
Wait, birthday ko? Hindi pala, 1872 to e, 1999 ako. Ang weird makapag-basa ng letter with the same month and day like my birthdate. 'Di bale, 'di naman same ng year e. Baka coindicence lang na same ng month and day.
Love letter? or Love poem? "Ang lalim naman niyan." Reklamo ko, hindi ko naitindihan masiyado. My gosh cassie, ang lalim magtagalog ng mga tao noon.
"Ang ganda kaya, praktisadong-praktisado ang retorika ng wikang Pilipino." At heto na naman ang pagka-mangha sa retorika ng isang 'to.
Magbabasa pa sana si Kim, kaso biglang dumating si Cath, "Kim, lika may nabasa kami na magandang info, kaw na magcheck."
"O, magbasa ka pa baka may makuha tayong magandang lines for script." Inabot niya ang libro sa akin pati na ang punit na pahina 'nung libro at iniwan na nga ako.
Gusto ko sanang basahin pa ang susunod na entry kaso pagtingin ko sa may book shelf, I noticed another book na ang title was 1872. Siguro ito 'yung sunod dun sa librong binabasa ni Kim. Nakita ko na lang rin ang pinang-galingan ng page na 'to, edi ibalik ko na lang doon, kasi baka kami pa masisi bakit napunit 'to.
Inilapag ko muna sa may mesa yung hawak kong libro and planned to return the letter from it's book. Medyo na sa taas 'yung libro kaya tumingkayad pa ako para makuha.
Pagkabukas ko ng libro ay nagtaka ako dahil, wala itong laman, kahit isa. "Niye? Kala ko pa man din dito 'to galing."
I scanned the book at napansin ko sa first page ay may nakasulat na initials na E.F.A. Then, when I opened the latter parts, napansin kong mayroong sa bandang gitnang page na may rema ng pinag-pilasan ng papel. Ay baka dito ito galing.
Inipit ko doon 'yung letter, at binalik na 'dun sa pwesto niya sa bookshelf. Nagbabalak na akong magpatuloy na sa pagbabasa, kaso pagkapwestong-pagkapwesto ko ng book dun sa lalagyan, biglang nahati sa gitna ang bookshelf at bigla akong nahulog sa lagusang nabuo.
Sh**, bakit may lagusan dito?!