"Sweetie, let's talk about us" malambing ngunit nakikiusap nitong tugon nang maiparada nya ang kotse. "Aubrey.." tawag nya bago ako hinawakan sa kamay ngunit pabato ko lamang iyong inalis. "Let's talk.." "Talk to your ass, stupid" asik ko na tinawanan nya. Nagmamadali kong binuksan ang kotse at padabog na pumasok ng bahay. "I'm home" pabuntong hininga kong saad. Lumingon sa gawi ko si Thalia kaya naman paismid kong iniwas ang paningin ko. Wala ring pumasin sakin kaya naman napasinghal na lamang ako. "Great" ani ko bago padabog na umakyat sa stairs. "Good evening po" bati ni Coby sa parents ko pero hindi na iyon nasundan pa nang makalayo ako. Padabog kong sinarado ang pinto ng kwarto ko at mabilis na nagtungo sa walk in closet. Mabuti na lamang at tapos na akong magbihis nang pumasok si

