Wala ako sa sarili nang makauwi ako sa suite ko. Halos hindi ko na rin namalayan ang ginagawa ko dahil sa sobrang kalituhan. Ang malaman kong may kanser sa dugo ang babaeng nakasalubong ko sa ospital. Ang malaman kong may kinalaman siya kay Ate Thalia. Ang malaman kong siya ang Mommy ko.. As I close my eyes, memories suddenly popped on my mind. Ang babaeng natagpuan ko sa ospital ay mabilis na nagtungo sakin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. "I will always love you Elise" malambing nyang bulong na ikinangiti ko. "I love you too Mommy" Weeks passed. After that incident, wala nang memorya ang pumasok sakin. Abala ako sa pagluluto sa condo ko nang pumasok si Coby at mabilis akong niyakap mula sa likod na ikinangiti ko. Ramdam ko ang pagdantay ng baba nya sa puno ng balikat

