A/N Elise/Aubrey's Point Of View
"Ate. How can I unwrap this one" nakanguso kong tanong kasabay ng paglahad sa kanya ng simpleng regalo. Pinakita ko sa kanyang hindi ko iyon mabuksan kaya naman humingi kaagad ako ng tulong sa kanya.
"Leave me Elise" diin nyang sagot bago lumayo sakin at umupo sa silya na malapit sa veranda.
Matanda ng pitong taon sakin si Ate Thalia. Some says, hindi raw siya totoong Anak ng mga parents ko ngunit hindi ako naniniwala lalo na't isang tunay na kapatid ang turing ko sa kanya.
I was five that time. Walang muwang, walang alam at walang sapat na nalalaman sa mundo. I just want to play, play and play. Daddy was too busy. May time sakin si Mommy ngunit hindi naman ganon kadalas kaming magkasama. Sometimes, naglalaan siya ng oras na makipaglaro sakin kaya naman tumataba rin ang puso ko. Never kong naramdaman ang pagkukulang sa kanila-- maliban na lang kay Ate Thalia na palaging nakabusangot sa twing makikita ako.
"Ate please" nakanguso kong pakiusap bago sumampa sa bangko. "Ate please !" Pangungulit ko pa pero agad rin akong nagitla nang bigla na lamang ako nitong itinulak dahilan upang mag unang ulo ako sa sahig.
"I told you to stop making fun of me Elise !" Sigaw nya bago nagtatakbo papasok sa loob.
Nakaramdam ako ng pamamanhid sa ulo at kirot sa palibot nito pero naging panandalian lamang iyon. Ang mas nakapukaw sa atensyon ko ay ang sugat na umukit sa paa ko. Maliit lamang iyon pero sobra ang kirot na nararamdaman ko. "Yayaaaa !!" Hiyaw ko nang makakita ako ng dugong lumabas ron.
Hapon nang marinig ko si Mommy na sumisigaw. Tila ba binubulyawan si Ate Thalia dahil sa sugat na nakita nya sakin. I feel sorry for Ate Thalia.
She doesn't deserve this kind of treatment.
"You want to go somewhere?" Namumugto ang mata nya habang mahigpit na nakahawak sa dalawa kong braso. Nasasaktan ako sa totoo lang. Pero sa twing makikita ko si Ate Thalia na tila ba frustrated sakin ay mas naaawa ako sa kanya. "You know how much I hate you Elise. I just want you to drag outside of this house. I want you to leave our house. I want you to leave us alone" patuloy nyang sambit.
Dahil sa medyo bata pa ang isip ko ay hindi ko maintindihan lahat ng sinasabi nya.
"Where are we going?" Tanong ko habang hinihila nya ako. Maraming tao sa paligid. Maraming shop sa kung saan. Hindi pamilyar sakin ang lugar pero maraming tao ang nagkalat sa kung saan.
"I will drag you to hell" bulong nya sa sarili ngunit hindi nakatakas sa pandinig ko. Agad akong natigilan nang makita ko si Tita na may halong gulat sa mata habang tinatanaw kami ni Ate.
Dali dali siyang lumapit sakin at binuhat ako upang yakapin.
"What are you doing here Princess?" Tanong nya. Nakatanaw ako sa maraming tao kaya naman hindi ko nakikita ang itsura nya. Nang maalala ko ang sinabi ni Ate Thalia ay parang gusto kong magsumbong sa kanila.
She wants me out of our family without knowing na ako ang totoong anak.
Funny isn't it?
"She wants me to leave our house" nakanguso kong sambit.
The next thing I knew, sinampal ni Tita si Ate.
Hindi roon natapos ang lahat dahil maging sa pag uwi ni Tita ay nag sumbong ito kay Mommy.
"Alam mo namang bawal magsinungaling Anak di ba?" Mahinahong tanong sakin ni Daddy nang maiwan kami sa sala.
"I'm stating the fact Dad. Sinabi ni Ate sakin" ani ko na hindi nya na sinagot.
"You want this one?" Tanong ni Mommy sakin sabay dikit sa dibdib ko ng dress na hawak nya. "Bagay sayo ito Baby" tili nya. Kita ko ang mata ni Ate Thalia samin ni Mommy.
Her eyes covered with jealousy and frustration. May hinanakit rin akong nakita pero dahil sa medyo bata pa ako that time, hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.
At some point, nalibang si Mommy sa pagmamasid sa jewelry section.
"Mom. Please. I want some toys" pagpipilit ko pero napako na ang tingin nito sa kwintas na nasa glass cabinet.
"Magpasama ka sa Dad mo. I will wait you here" ani nya pa.
Hindi ko alam kung saan nagtungo si Dad. I saw Ate Thalia standing infront of a section. She's looking for a shoes that fits her large foot. I immediately pull her hand to get her attention.
"Oh?" Bakas ang inis sa boses nito na hindi ko na pinansin.
"Ate I want some toys" nakangusong yaya ko sa kanya. Rinig ko ang malalim na buntong hininga nito bago sumunod sakin.
Hindi kami ganon ka-close that's why I feel some awkward moments whenever I'm with her.
"Thalia?" Ani ng isang boses mula sa likuran namin. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil nakita ko na ang section ng mga laruan. Dali dali akong nagtatakbo papasok roon. Hindi ko na inalintana kung mawala sakin ang presensya ni Ate. I just want to go inside here para makakuha ng laruang gustuhin ko.
Sa huli ay isang moose ang nakakuha sa atensyon ko. Bahagya rin akong natigil nang may makaagawan pa akong binata na kasing edad lang siguro ni Ate.
"Oops. Ako ang unang nakadampot" smirks cover his face. Namumula ang pisngi nya dahil na rin siguro sa aircon na naroon sa mall.
"Please. I want this one" pagmamakaawa ko sabay hila roon pero nakangisi nya muling hinila iyon palapit sa kanya. "Akin toh !" I shout that's why I caught the attention ng mga malapit samin. Nagbago ang timpla ng mukha nya bago muling hinigit sakin ang manika.
"A.Kin.I.To" may diin nyang ani dahilan upang muli ko itong hilahin.
"Akin sabi !" Sa huli ay nag agawan kami sa pagkuha nito. Halatang wala siyang balak na bitawan kaya naman wala akong choice kundu hilahin ito at magtatakbo palabas ng botique na iyon. A man wearing white polo sleeves with blue hat blocks my way kaya naman wala akong choice kundi huminto.
"I told you. Akin na yan" ani ng lalaking kaagaw ko dahilan upang kunot noo akong bumaling sa kanya patalikod sa guard na humarang sakin. "Hindi ako magpapatalo sa limang taon na bata"
"Omhayghad Jameson !" Sigaw ng isang babaeng palapit na saming dalawa. "You're too old for that !" Singhal nya pa dahilan upang mapakamot ang kaagaw ko.
"But I want that one !"
"No. Iwan mo na sa bata yon. Masyado kang isip bata!"
Sa huli ay walang nagawa ang kaagaw ko kunsi maglukot ng mukha. Ang mommy nya na rin ang nagbayad sa laruang inagaw ko bilang kabayaran man lang sa ginawa ng Anak nya sakin.
"Pinapangako ko. Kukuhanin ko yan sa tamang panahon" nanggigigil nyang ani pero bumelat na lang ako bilang pang asar.
As I walked outside of the boutique, hindi ko na nakita si Ate Thalia. Maging ang anino nila Dad at maging ni Mommy ay hindi ko na nakita. Tears began to fall down to my cheeks as I walked around that place.
Ni hindi ko na namalayang nakalabas na ako ng lugar na iyon. Hindi ko na pinapansin ang daan hanggang sa makaabot ako sa kalye.
"M-mommy" hagulgol ko kasabay ng pagyakap sa moose na hawak.
Isang matining na tunog ng preno ang narinig ko sa gilid bago ko naramdaman ang pagbagsak ko sa sementadong sahig na iyon. Ramdam ko ang likidong lumalabas sa ulo ko at maging ang pagkahilo ko.
"M-mommy" utal kong tawag bago ipinikit ang mga mata.
"Aubrey?" Tanong ni Coby sakin kasabay ng pagwagayway ng palad nito sa harapan ko. Kunot noo kong tinapik ang palad nya na ikinangiwi nya. "You look like--"
"Shut up" asik ko pa. Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa babaeng nakaupo sa silyang nilagpasan ni Coby. "Sino yong kalandian mo kanina?" Taas kilay kong tanong kay Coby kasabay ng pagbaling sa baaeng nakatalikod sa pwesto namin. Nag aayos na siya ng gamit at tiyak kong paalis na.
"Ah si Thalia" sagot nya na parang wala lang.
Smirked slowly formed on my lips. "Talagang kilala mo huh?" Tanong ko na ikinagitla nya.
Tumayo ang babae bitbit ang mga pagkaing inorder nya. Nasa tabi kami ng pintuan kaya naman paniguradong naririnig nya kami. "She's my Lolo's partner sa business, Aubrey" paliwanag ni Coby nang matapat samin ang babae.
"The hell I care" diin kong usal kasabay ng pag irap nang makalabas na ito.
She's fine. But her presence may not be.