Pagkagulat ang yumanig sa akin nang malaman ko mula kay Daddy ang katotohanan tungkol sa aking tunay na pagkatao,tila isang malakas na kulog na dumagundong sa loob ng aking dibdib. Ang matagal kong inakalang pundasyon ng aking pagkatao,ang kaisipang si Daddy ang aking tunay na ama ay biglang gumuho sa isang iglap. Nang mabalitaan ko mula mismo sa labi niya na ang tunay kong ama ay kapatid pala ni Nanang Yolanda. Para akong binagsakan ng libo-libong tanong na walang kasagutan. Naging mabigat ang aking bawat paghinga, bawat t***k ng puso ko’y parang nanunumbat, nagtatanong kung saan ako lulugar sa kasaysayan ng sarili kong pamilya. Mula pa sa nalaman kong isang mafia leader ang aking lolo hanggang sa pagkakakilanlan ng tunay kong ama. Hindi ko maipinta ang aking damdamin ngayon galit,

