CHAPTER 1

1105 Words
MENTAL ASYLUM third person POV "nasa padded cell si patient #15 doc nagsisigaw na naman" "make sure she can't roam around and hurt other patients again especially me! she's a high risk patient at kapag naulit pa ito lahat kayong naka duty ay malilintikan sa akin!" pahayag ng doctor naka On duty ngayong araw. "yes doc" mababang tinig na may halong takot ng mga babaing nurse kaharap ang doctor bago ito umalis. Sapo sa noong napasandal ang isang may katangkarang nurse na kausap ang bagong dating na tagalinis ng asylum. "Aling Yolanda sa padded cell ba ang schedule mo ngayong maglinis?" tumango lang ang ginang tanda ng pagsang ayon sa sinabi ng nurse. "the high risk patient #15 is in the padded cell kapag naglinis kayo doon make sure to lock the door at baka makasibat na naman" paalala nito sa matanda. "sige po Ma'am masusunod po" Agad namang tumalima ang ginang patungo sa padded cell bitbit ang maliit na balde na may lamang tubig at mop,nagpalinga linga muna ito bago binuksan ang bakal na pinto. Tumambad sa kanyang harapan ang may kaliitang babae na may kahali halinang ganda,sa unang tingin hindi mapagkakamalang may sayad ito sa pag iisip dahil sa kainosentihan ng kanyang mala manikang mukha. "hello Marimar,maglilinis na naman si Señora Santibañez" ito ang madalas niyang biro dito sa tuwing makakasalamuha nya ito. "sus Yolanda naman pangalan mo,di ka kaya kamukha ni Angelika mataray yun hmp! dapat yung pangit na doktor na suplada yun si Señora Santibañez" kilala nya na halos ang mga karakter sa seryeng Marimar dahil sa tuwing naglilinis ang matanda ay yun ang pinapanood nya sa dalagitang kamukha ng bida ng teleserye. "sino na naman inaway mo sa labas ha Marimar? at bakit ka naman nakalabas ng hindi pa oras ng gala mo?" tanong niya nito na madalas papakin ang kanyang kuko sa daliri,ito ang habit ng dalagita kundi paglaruan ang buhok ay ang kuko sa daliri nito ang pinapapak. "tumakbo ako pagkahatid pagkain ko,nakita ko ang doktor sinabunutan ko maldita kasi siya inaaway ako" sumbong nito sa matanda. "pero ikaw Nanang Yolanda mabait ka gusto kita hehehe" kahit may sayad ito ay alam ng matanda na mabait naman ito kapag siya ang kausap.Ilang linggo pa lang mula ng nakapasok siyang tagalinis ng Asylum,at sa lahat ng pasyente na may sakit sa pag iisip ay ito lang ang nakakausap niya kahit tinagurian itong high risk sa lahat ng pasyente dito dahil nananakit daw ito kapag nasasaniban yan ang kwento ng mga nurse.Ngunit wala naman siyang reklamo sa ilang linggo niya itong kausap matyaga lang nanunood sa cellphone ng matanda sa tuwing naglilinis ito. "ayan tapos na akong maglinis sa silid mo,alis na si Nanang ha?" iniabot nya sa matanda ang cellphone hindi naman ito mahirap kausap sa katunayan kapag naglilinis ang matanda ay tahimik lang ito at hindi nagkakalat. "Nanang gusto ko ng umalis dito" awa lang ang kayang maibigay ng matanda para rito wala siyang magawa isa lamang siyang hamak na tagalinis ng asylum. "hayaan mo dadalawin ka ng pamilya mo hintayin mo lang" "wala akong dalaw nanang pati kasama ko kinuha nila" nagtaka ang matanda sa sinabing may kasama daw ito marahil dahil wala ito sa matinong pag iisip kaya nag iimahinasyon ito na may kasama sa loob. 🎶"lullaby in the sky close your eyes and-🎶 di ko na alam ang karugtong nanang pero awit ako palagi nyan inaawitan ko palagi yung kasama ko pero kinuha ng doktor na bad na yun kaya galit ako sa kanya hmp!" busangot nitong saad na sinang ayunan lang ng matanda ang mga sinasabi ng dalagita bago ito nagpaalam. Naiwan ang dalagita na nakatihaya sa higaan,malungkot nagsasalitang mag isa,minsan umiiyak ito dala ng kalungkutan sa lampas isang taong nakakulong dito sa Mental Asylum. Dumaan ang ilang linggo,mas nalungkot pa ang dalagita dahil isang linggo niya ng hindi nakikita ang matanda,iba na ang naglilinis ng kanyang silid. "hoy asan na nanang Yolanda ko?" mataman niyang tanong sa bagong tagalinis pero hindi siya nito sinagot "hoy! saan na nanang Yolanda" pag uulit niya. "hindi hoy! ang pangalan ko,umalis na ang matanda hindi na dito nagtatrabaho" sa nalaman niya ay lungkot ang rumehistro sa kanyang mukha. "ano ba ulit pangalan mo?" tanong sa kanya. "Marimar pangalan ko magkasing ganda kami yun sabi ni Nanang Yolanda. "anong Marimar,Elayda pangalan mo hindi Marimar buti na lang umalis na ang matandang yun,mas lalong mapuruhan utak mo kapag yun kausap mo lagi tssk!" sa sinabi ng bagong tagalinis ay dinaklot ito ni Elayda sa mukha,napangiwi ang tagalinis sa galit. "baliw ka talagang bata ka! nananakit ka ha!" hinila ang kanyang buhok napasigaw si Elayda sa sakit. "mabait nanang ko hwag mo siyang awayin!" nagkarambola ang dalawa sa loob ng silid hanggang sa may nakuhang maliit na bagay si Elayda sa loob ng bulsa ng suot na scrub ng tagalinis. "hoy isoli mo sa akin yan baliw!" sumilay ang ngiti sa labi ni Elayda nang mahawakan nito ang maliit na bagay isang lighter. "akin na yan!" ngunit mabilis na nakatakbo si Elayda palabas,tumatawang mag isa habang hinahabol siya nito at dahil kabisado na niya ang bawat sulok ng Asylum ay doon siya dumaan kung saan walang halos na dumadaang nurse at ibang pasyente. Kinudlit niya ang lighter nasiyahan ito sa kada bukas sara niya dito. "ang liwanag" anas niya "ay mainit!" dahil wala sa katinuan ay kumuha siya ng maraming papel sa may maliit na opisinang nadaanan niya,sinindihan niya ito mas natuwa pa siya nang makita na lumalaki na ang Apoy "hala mas maliwanag na" pagkamangha ang nasa mga mata nito marahil ay madilim sa padded cell na kinalalagyan niya kaya ang liwanag na masasaksihan nito sa gabi ay kamangha mangha sa kanya. Hanggang sa ang apoy ay lumaki na nakaramdam na siya ng pagkahabag sa init ng dala nito,natakot na rin siya unti-unti ng tinupok ng apoy ang mga silid nito,narinig na lang niya ang mga sigawan. "sunoooooog!!" napahawak siya sa kanyang dibdib di alam kung ano ang gagawin at saan siya tatakbo. Takot at pagkahabag ang lahat ng nasa loob ng Asylum,nag uunahang makalabas ang lahat ng tao dahil sa lumalaki na ang Apoy,napahalukipkip lamang si Elayda na hindi alam ang gagawin kung saan siya patungo walang pumapansin sa kanya lahat takot na nagsitakbuhan. "Mommmyyyyy! Daddyyyyyy heeeeelp!" dala ng takot ay napasigaw siya nag iiyak, biglang rumehistro sa kanyang utak ang kagimbal gimbal na nangyari sa kanya. "hwaaaaggggg maawa kaaaa hwaaaag!" sa kanyang pagsisigaw ay may kamay na humatak sa kanya,pagtingala niya ang kanyang takot ay napalitan ng tuwa nang makita niya sa kanyang harapan ang taong matiyaga lang kumakausap sa kanya sa loob ng Asylum. "Nanang Yolandaaaaa!!!""
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD