"Manang bakit ako aayusan?"nagtaka ako kung bakit pinasuot ako ni Manang ng magandang damit pero gustong gusto ko ang disenyo para akong princess. "May party mamaya dito sa mansion ni sir Julio kaya kailangan mong magpaganda" "party? para saan Manang?" "basta surprisa lang maya ko na sasabihin kapag magsisimula na at kapag nakababa na tayo" anas nya habang inaayos ang aking suot.Pinaikot nya pa ako sa salamin. "tingnan mo sarili mo Elayda ang ganda mong bata ka,kailan ka pa kaya babalik sa normal napakasayang mo" sa sinabi ni Manang ay bigla akong nalungkot,kailan nga kaya ako babalik sa pagiging normal. Habang tumatagal nakaramdam na ako ng panliliit sa sarili lalo na nung gabing umuwi si Mang Julio narinig ko may kausap siyang babae tulad niya englisera din,naintindihan ko ang mga p

