" May mga bagay na kailangan mong gawin para sa iyong sariling kapakanan ngunit paano kung magdulot ito ng hindi kaaya-ayang resulta? Ipagpatuloy mo pa ba o hahayaan mo nalang?" - K A T E A N D R E A P O V - Maaga akong gumising ngayon dahil may duty pa ako. At syempre inspired ako ngayon dahil kasama ko na si Matt dito sa aming Mansion. Pagkatapos kong magbihis pumunta ako sa kwarto ni Matt. " Hi Bro, gising ka na?" tawag ko sa kanya ngunit walang sumagot at nakita ko ang cellphone na nasa mini table niya kaya kinuha ko. Tiningnan ko ang wallpaper niya pero wala na ang picture namin at di ko na rin ma-open dahil nag-change passcode na siya. Kaya nabadtrip ako. Kaya umalis na ako sa kwarto niya ngunit tinawag niya ako. Paglingon ko, nakatowel lang siya, kitang-kita ko ang mga

