" Di lahat ng pangarap mo, matutupad mo agad sa isang iglap lang, pero may mga taong maging daan para sa katuparan nito. " -KATE ANDREA POV- - WELCOME PARTY- Kinabahan ako ngayon dahil mga bigating tao ang dadalo ngayon sa party. Masaya sana ako ngayon kung si Matt ang escort ko. Kaya lang napaka-moody talaga ng taong yon! Ok lang sana kung di siya ang escort ko, kung pupunta siya dito para suportahan ako. Dahil di ko masyadong close ang mga tao dito at nahihiya pa rin ako kina Mom and Dad. Kaya nagtatampo ako sa kanya. Pwede namang ipagpaliban niya ang lakad niya! Kung gusto maraming paraan kung ayaw naman maraming dahilan kaya sad ako ngayon. Pero happy naman ako dahil siya ang pumili ng gown ko. Kuntento naman ako, sa kalagayan namin ni Matt, as long as mahal namin ang isa't-isa ok

