"May mga bagay na kailangan mong balikan para mabigyan ng kasagutan ang matagal mo ng gustong malaman." -M A T T P O V- Nandito ako ngayon sa office ko dito sa Australia, di ako makapag-concentrate sa aking ginagawa dahil sa nangyari kagabi. -Flashback- " Matt, kumusta ka na? Nakita mo na ba parents mo?" malungkot na tanong ni Kate sa akin. " Hindi naman ganoon kadali yon." tipid kong sagot. Naaawa ako kay Kate at syempre sobrang miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin pero hindi pa pwede ngayon dahil di ko pa natapos ang mission ko. " Ok! Sorry, kayo na ba ni Nathalia?" tanong niya na hindi tumitingin sa akin. Alam kong nasasaktan ito. " Oo, sorry Kate pero di tayo pwede, kalimutan mo nalang ako. I know marami ang nangliligaw sayo kaya free ka ng palitan ako." pagsisinungaling k

